Kabanata 16 - Lady in Red

2.9K 108 27
                                    

Kabanata 16
Lady in Red

Pagkatanggal ko ng seatbelt ko ay lumabas agad ako ng sasakyan. Ngunit imbis na ako ang tignan niya ay nakapokus ang atensyon niya kay Shawn na kalalabas rin ng kotse.

"Filan?" Dinig kong tawag ni Shawn sa kanya nang lumapit sa amin.

Nanatiling walang imik ang reaksyon ni Filan sabay lingon sa akin na para bang nagtatanong kung bakit kami magkasama. "Insan!" Bumati siya ulit kay Shawn at nag-initiate for a fist bump kahit pansin kong hilaw iyon.

Ako naman ngayon ang nagulat. "Magpinsan kayo?"

Nakatitig pa si Shawn kay Filan na parang bang kay lamig. Hindi ko matukoy ang klase ng ekspresyon niya. Habang si Filan naman ay sa akin ang atensyon. Nagtaka rin ako sa seryoso niyang mukha.

Seriously, what's with the faces?

"Magkakilala kayo?" Bahagya akong nagitla nang sabay pa silang nagsalita.

Umigting ang panga ni Filan at tumingin kay Shawn.

"Obvious ba?" Sagot ko sa kanilang dalawa. Nagbago ang kulay ng mood ni Shawn at napatawa nang kaunti. Pero itong si Filan ay talagang seryoso. Ano bang nakain nito ngayon?

Or hindi ito nakatikim ng puke-tahe ngayong araw kaya ganyan ang timpla niya? Lecheng 'to! Huwag niyang masira-sira ang araw ko dahil lang sa pagsimangot niya ha!

Pumasok na ako sa gate at sinenyasan na lang ang dalawang pumasok rin.

Pinaupo ko sila na para namang mga tuod, mga pabebe pa. Lalo na itong si Filan! He's not like this! He's not serious! He's never been cold! Ngayon lang!

"Magpinsan pala kayo. Paano?" Natigilan ako bigla. "Oh right, you're an Andrada." It hadn't occurred to me a while ago na Andrada nga pala ang asawa ng Daddy ni Filan at Andrada rin ang apelyido ni Shawn.

But still, this is a small world for us! Akalain mo nga naman?

Shawn chuckled, "Yup. You know about Filan's family pala. Paano kayo nagkakilala?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at umupo na sa solong sofa malapit kay Filan na tahimik pa rin.

"Sa bar." Iyon lang ang sinagot ko dahil ayoko nang alalahanin ang pinagmulan namin ni Filan.

"Huy!" Sinipa ko ang paa ni Filan kaya nabaling ang atensyon niya sa'kin.

Ang kanyang kilay ay perpekto at ang hugis ng kanyang mga mata ay lalo yatang nadepina. It emphasizes more of his beautiful, deep eyes. His perfectly angled jaw and his red damn lips add spice to his perfection!

Ilang araw ko lang siyang hindi nakita dinedescribe ko na siya nang ganito? Normal pa ba ako?

"Yes, yes sa bar kami nagkakilala. We met at Filantro, bro."  Paliwanag pa niya na hindi naman kailangan.

"Magkababata kami ni Shawn. Lumaki kami nang sabay sa probinsya. But eight years ago, he left with his family. Ngayon lang ulit kami nagkita. Shawn's my long-time friend." Paliwanag ko rin kay Filan na hindi naman niya tinanong sa akin. Fuck! Am I guilty?

Guilty for what? Ugh!

"And Shawn, Filan is... a new friend of mine." Tumango-tango si Shawn at ngumiti sa akin. He looks cool with everything. Si Filan parang problemado talaga.

Is this about his family again? Or girls?

I should know. Kailangan ko na siyang makausap.

"Kumusta sina Tita Demi, Filan? Project FGC na pala bukas, hindi ba? Are you going?" Ani Shawn.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon