Kabanata 30 - Pagkakaibigan

2.7K 110 25
                                    

Kabanata 30
Pagkakaibigan

First day of April today but I don't feel jerky at all. Hindi tulad ng ibang tao na walang inatupag ngayong araw kundi manloko dahil lang sa April Fools day ngayon. Whatever.

Ewan ko ba. Parang lagi na lang akong walang pakialam sa lahat ng bagay. Maybe I'm really the human definition of the word boring.

Kinakabahan pa nga ako ngayon. Weird. Siguro dahil birthday ni Filan ngayon at hindi ko alam kung magugustuhan niya kaya ang regalo ko.

Isang handmade bracelet. Ang corny nga, e. Baka sabihin niya pang ang girly rin masyado nito. Kung perfume naman kasi, siguradong marami na siyang mamahaling mga ganon. Kung relo, baka pipitsugin lang rin ang mabili ko kumpara sa mga relo niya. Ayoko rin magregalo ng damit dahil parang hindi masyadong thoughtful na regalo 'yun para sa'kin. Ito lang talaga ang naisip kong okay... Bracelet na pinaghirapan ko namang gawin.

What will I give someone who has already everything anyway, right?

Binanggit sa'kin ni Jastrine na walang pormal na party na gaganapin para kay Filan. Hindi pala niya cine-celebrate ang kaarawan niya sa mansyon ng mga Fontaniel hindi kagaya ng ibang mayayaman. Siguro ang mga legal niyang kapatid na sina Sand ang nagcecelebrate nang engrande. Pero si Filan, sapat na raw ang kasiyahan sa kanyang bar.

Kaya naman heto at papunta akong Filantro. Mahigpit kong hawak ang box na pinaglagyan ko ng aking regalo sa kanya.

Dumadagundong na ang musika pagkarating ko sa bar. I think the party's already at its peak. I searched for his whereabouts. Hindi yata kakayanin ng powers kong halughugin siya ngayon dito sa pulong ng mga nagsasayaw. I looked for our usual table and there I saw Will.

Agad akong lumapit sa table nila only to find Filan... sharing an intense kissing session with Febry sitting on his lap. His eyes are shut, looking so drunk kissing her. I can almost see an x-ray of their mouths, imagining how their tongues are colliding.

What the...

Tila may nagbarang bato sa lalamunan ko na nagbabaga pa ng apoy. Namuo agad ang malalaking butil ng luha sa mga mata ko.

"Uy Honey!" Tawag ni Paolo sa akin pero hindi ko siya pinansin kaya nilingon niya ngayon si Filan. Nagulat rin siya sa nakita at siniko na ang katabi. Si Will ay napamura. Kararating nina Rian at Ja sa table na tila namutla rin nang makita ang reaksyon ko.

Filan didn't even look at me when Paolo called my name. Maybe he's really focused with Febry. Maybe he really moved on. Pero bakit naman sa kapatid ko pa? Bakit kay Febry pa?

Bumitaw si Filan sa halikan nila at biglang bumaling sa akin na pinanlakihan ng mga mata. "H-Honey..."

"Oh! Sis, nandito ka pala." Abot langit ang ngisi ni Febry nang makita ako.

Nang balingan niya si Febry ay parang mas nagulat pa siyang nakakandong sa kanya ang kapatid ko.

Hinagis ko na kay Filan ang box at tumakbo na palayo roon. Paulit-ulit na gumuguhit sa puso ko ang pait at sakit. Parang asidong rumaragasa sa dibdib ko ang matinding damdamin.

"Honey!" Lalo kong binilisan ang pagtakbo at pagsiksik sa mga taong humaharang sa dadaanan ko pagkarinig ng boses niya.

Pero paglabas ko ng bar ay pumulupot agad ang kanyang mainit kamay sa aking palapulsuhan at ihinarap ako.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon