Kabanata 4 - Tell Me About Yourself

4.1K 137 28
                                    

Kabanata 4
Tell Me About Yourself

Ang bigat ng ulo ko pagkagising. Kinusot ko ang mga mata at nag-unat. Mabuti na lang at nagising pa rin ako na tama sa aking alarm, kahit ang dami kong nainom kagabi. It's seven o'clock in the morning, just in time for my OJT hunt today.

Nilingon ko ang phone at apartment keys ko sa side table, pati ang bag kong nasa couch naman. Marahil ay si Zarrius na ang nagdala sa akin dito.

Maagap akong nagshower at nagbihis. Simpleng puting polo, black pencil cut skirt, at black blazer coat ang sinuot ko. Tinuyo ko ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up sa mukha. If this is just an ordinary day, I wouldn't exert an effort to make myself attractive. Pero dahil kailangan, nag-ayos na ako nang kaunti. Goal ko ngayong araw na makahanap ng pag-o-OJT-han and my target area is Makati City.

Isinilid ko na rin sa bag ko ang clear book na naglalaman ng mga papeles ko tulad ng ilang kopya ng letter of inquiries, resume, endorsement letter from school, certificates, at iba pa. Hindi rin dapat malimutan ang I.D, ballpen, at notebook. Matagal ko na itong naihanda kaya wala na akong dapat ipag-alala. Kung mayroon man siguro ay 'yung mga isasagot ko sa interview dahil hindi ako nakapagpractice.

Pagkababa ko ng hagdan ay nanuot agad sa ilong ko ang amoy sunog na lutuin. Nayanig ang sistema ko nang mapagtantong may ibang tao sa apartment ko!


"Hoy!" sigaw ko sa lalaking nakatalikod, naka-apron, at abala sa pagluluto sa aking kitchen.

Nang humarap siya sa akin ay lalo yatang nairita ang neurons ko sa utak. "Good morning, beautiful." Tila kuminang pa ang mga mata niya nang makita ako.

Lumapit ako at nagpipigil na atakihin siya ng suntok at sakalin. "Anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sa'yo?" Matigas kong wika sabay hinga ng malalim at pumikit nang mariin.

He flashed his killer smile. Hindi 'yan uubra sa'kin ugok! Nang mapansin niya sigurong malapit nang umusok ang ilong ko ay nataranta siya at pinatay na ang kalan.

"Chill ka lang, wala pa ngang nangyayari, nag-iinit ka na agad. You're so hot." Umamba akong hahampasin siya pero nag-shield siya sa akin at nagtawa.

"Zarrius gave me a spare key. Dinala ka namin dito kagabi when you passed out."

"Bakit kasama ka pa? I'll kill Zarrius for real!" Hindi ko ba alam kung bakit iritado talaga ako. Hindi kaya sadyang malapit na ulit akong datnan?

Eh kasi ba naman? This guy is a stranger!

Hinawi niya ang buhok niya at napatunganga ako nang sandali. It's just now that I noticed him completely. Simpleng jeans at black long sleeve shirt na nagdedepina ng hubog ng kanyang katawan. Sumisigaw ng kagwapuhan ang presensya niya umaga pa lang. Dammit! Truth be told, I admit the inevitable. This guy is a godly figure. Taliwas nga lang sa personalidad niyang mapaglaro at daig pa yata ang teenager sa pagbibinata.

"Since I'm your new driver, at hindi ko alam kung saan ka susunduin dahil hindi ko pa alam saan ka nakatira, sumama na ako kagabi." Ngiting ngiti niyang sabi na parang sobrang proud sa naisip niya.

"You don't need to, hindi naman kita inobliga. I think I was clear last night, si Zar ang inaasahan ko ngayong araw. Not you."

Umiling siya, "Gagampanan ko ang tungkulin ko sa'yo. Pananagutan kita. So whether you like it or not, you're stuck with me."

"Hindi ako buntis, siraulo!" padarag akong umalis sa harapan niya pero hinawakan niya ako sa palapulsuhan para hilahin pabalik. Iniupo niya ako sa upuan at ihinain sa akin ang niluto niya.

Nanigas ako nang ilapit niya ang mukha sa akin tsaka ngumiti, "Convince me more, Honey. 'Cause you're acting like you're pregnant at pinaglilihian mo ako. Ang sungit mo, e." He chuckled kasabay ng pagdikit niya ng ilong sa ilong ko at isang beses na ninose to nose ako. Holyshit!

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon