Kabanata 23 - Always Alone

2.6K 99 17
                                    

Kabanata 23
Always Alone

May nagdoorbell. I immediately thought of Filan. Pero may susi siya, ah? Naiwan niya siguro.

Pinatay ko na ang kalan ng niluluto kong tortang talong for breakfast. Nagmadali akong tumakbo at pinagbuksan siya.

My smile faded, and a letter O of surprise molded my lips. "Good morning!"

"Shawn! Kumusta?" Nilakihan ko ang bukas ng pinto para papasukin siya. "Anong ginagawa mo dito? Aga ha?"

Inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito sa talambuhay ko.

"Para saan ito, Shawn? Pinaglalamayan mo na ba ako?" Biro ko na lang.

His smile is still plastered on his face. "I'm visiting my special girl. Can I borrow you for today?"

Parang naputol ang dila ko. I'm very used of sweet words now because of Filan pero ngayong kay Shawn nanggagaling ay hindi ko maesplika ang mararamdaman ko. He'll borrow me for today so what does that mean?

Napaglilipasan na kasi ako ng panahon kaya wala akong alam sa mga ganito. May flowers, tapos lalabas daw kami... Ano 'yon? Hang-out yata ang tawag dito.

"Sige, wala naman akong gagawin ngayong araw. Kumain ka na ba? Kumain ka muna, magbibihis na ako."

"Sa wakas, matitikman ko na ang luto mo, Av. Sabay na tayo, kain ka muna." Inakbayan niya ako at iginiya sa dining table.

Mas naging kumportable ako habang kumakain kami. Nagkwentuhan kami kaya naibsan ang pagka-awkward na nafeel ko kanina. A typical conversation of Shawn and Avalon, as friends. Kwinento ko sa kanya ang nangyari roon sa party. Not to mention that Tita Demetria has been a very good mouth that night.

Nagbihis na ako't naghanda. Binilisan ko ang kilos dahil nakakahiyang may pinaghihintay akong gwapo sa sala. Shawn's undeniably a good-looking guy. Hindi ko iyon ipagdadamot sa mga papuri ko. Malakas rin ang kanyang dating kaya hindi ko maipagkakailang madali rin siyang magustuhan ng kababaihan.

Why am I surrounded with handsome guys again? Magpagupit na kaya ako ng buhok?

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay na ako at hinintay siyang umikot sa driver's seat. "Seatbelt, Av."

"Oh, right." Aligaga akong nag-seatbelt.

How strange... Kung si Filan ay baka nakipag-unahan pa iyon sa akin na ikabit ang seatbelt ko. Oh well, nevermind.

"Saan mo naman ako dadalhin ngayon aber?"

"To the city where everyone's a star." He wiggled his eyebrows at pinaandar na ang sasakyan.

At madatnan ko na lang, kami ngayon ay nasa Star City.

"Seriously, Shawn?" Natatawa akong bumaba ng kotse. I hate places like this. Maingay, magulo, at maraming tao. Dagdag pang Pasko na sa isang araw.

I'm not disappointed though. I know Shawn wants to have some fun. Iyon na lang ang iniisip ko. He pinched my nose, "Enough of being the anti-social caged woman. It's time to loosen up, Avy!"

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon