Kabanata 39 - Passion

2.8K 98 62
                                    

Kabanata 39
Passion


Tulala akong naglalakad sa hallway ng ospital. "Miss, okay ka lang?" Natauhan lang ako nang may humarang sa aking nurse at nag-abot ng tissue.

Umiiyak na pala ako. Tumutulo na pala ang mga luha ko nang hindi ko namalayan. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng pagkamanhid? But I feel like I'm more dying from within.

Umiling ako sa nurse at nagpatuloy sa paglalakad. That's not what I need right now. All I know is I need to see him.

Pero tila nanunuya ang tadhana nang masalubong ko ang nursery room ng babies na kapapanganak. How could these tiny little creatures provide million reasons of happiness for couples? How could they do that? Even with many problems, they can easily take away all of it by just the sounds of their cries and mini flashes of their smiles.

Umalis agad ako roon dahil ayoko nang pagmasdan pa ang mga sanggol.

Tumigil ako sa tapat ng kanyang suite. I am terrified. Kapag sinabi ko ito kay Filan ay baka iwan na niya ako. Baka ayawan na niya ako. Ano nga bang mapapala niya sa isang tulad kong walang kapasidad na bigyan siya ng anak? Technically, pwede pa rin ngunit magiging maselan iyon para sa akin. Kahit pa sabihin ng doktor na may posibilidad ay hindi na iyon mahalaga. Batid kong ang kaunting pag-asang iyon ay sadyang pampalubag loob lang naman talaga.

I don't know if I am just too negative about myself but it doesn't matter anymore.

Hindi ko kayang tuparin ang pangarap niya. Hindi ko kayang magampanan ang parteng iyon. I can't give him a child. I may be too incapacitated to do that. It will be a rough life for him if we keep trying to make a baby. It will be an absolute struggle. I thought I'm already the worst woman in the world, may mas isasagad o ilalampas pa pala.

Sinabi kong hindi ko pinangarap na magkapamilya noon. Pero nang ipinagkaloob siya sa'kin, handa na akong mangarap nang sobrang taas para lang sa kanya. Even being married. Even having a happy family with him. Even having a child. Even being a mother.

But then that dream faded away just like a bolt strike of lightning.

Pinunas ko ang luha ko at sinubukang magmukhang maayos. I don't want him to know about this. Bahala na. Hindi ko pa kayang magdesisyon ngayong gulong gulo ako.

My life is a maze. I am always lost. I have already found my center—I already found him—but it seems like I keep on going back to the walls. I keep on finding him again and again. I keep on being a lost girl. How could I loathe myself more?

Pumasok na ako sa kanyang suite at nakita kong walang bisita ngayon. He's alone sitting on the hospital bed, eating an apple. Nang makita niya ako ay parang nagbago ang Biyernes Santo niyang mukha.

His face has immediately lit up when he saw me. He smiled like he's excited to get close to me. And I think my heart has jumped out from its cage.

Naiiyak ako at hirap na hirap akong pigilan. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Mahigpit. Takot na siya'y makawala. Kumawala. Sa akin.

"Honey bee, okay ka lang ba?" He chuckled as he pulled my hand to get close to him. Pinulupot niya agad ang kanyang braso sa aking baywang at tumingala sa akin na suot ang malaking ngiti sa labi.

I tried to chuckle back. "Sira. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Huwag mo nang uulitin 'yon kundi ikaw na ang malilintikan sa akin. Kulang pa 'yang mga bali at galos mo, sige!"

Ngumuso siya at ngumiti na naman. Saka niya sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. We are hugging each other for a long time at parang walang gustong kumawala sa amin. "Lambot naman, parang flat na unan."

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon