Kabanata 33 - Aksidente

2.5K 87 27
                                    

Kabanata 33
Aksidente

Guilt crept its way throughout my system. Hindi ko mapagtanto kung nagtatampo nga lang ba si Filan sa akin o sadyang dumidistansya na siya. For real, this time.

And I'm hating it.

Kahapon iyon nagsimula. Huli na naming matinong pag-uusap noong naglaro kami sa Xbox ng umaga. Kahit ngayong katatapos namin sa activity na horse back riding ay hindi pa kami nagkaka-usap. Kahit kaswal na pakikitungo o pagpapansinan ay wala. This is torture!

"Babe, okay ka lang ba?" Narealize kong nakakapit pa rin pala ako kay Shawn nang ibaba niya ako mula sa kabayo, habang nakatingin kay Filan na nakikipagtawanan na kina Paolo at Will.

Tuliro akong tumango. "Oo naman."

"Did I do something wrong?" Doon lang ako tuluyang nagising sa pagkatulala.

Mabilis akong umiling, "Wala, Shawn. Bakit mo iniisip 'yan?" Pinagpag ko ang aking puwetan at naglakad na patungo kina Rian.

Pinadausdos ni Shawn ang kamay niya sa aking kamay. "You seem so off since yesterday. Parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba? I'm starting to get paranoid, Av. I'm worried."

Ito pa ang ikinababagabag ko. Maybe because I'm focusing too much on Filan kaya hindi ko na masyadong nakakausap si Shawn. Nababalewala ko siya.

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan siya sa mukha. I tip-toed and planted a kiss on his forehead. Shawn did nothing wrong. He is not to be blamed but me. Ako lang. Not Shawn, not Filan.

"I'm sorry. Wala lang siguro ako sa mood?" Sinuksok ko ang mga kamay sa aking bulsa. Mas mabuting itago ko na lang ang mga ito. Lalo pa't tuwing iniisip kong hinayaan ko si Filan na hawakan ito habang dapat ay pag-aari lang ako ni Shawn ay nakokonsensya ako.

Shawn looked like he's still not convinced.

"Parang 'di ka pa nasanay sa'kin. Sorry na." Niyakap ko pa siya para lang mapanatag siya.

When he hugged me back, I feel relieved. "Nakapagtatakang malambing ka na rin ngayon. Natatakot tuloy akong baka may iba ka na pala ha." Tumawa siya at hinalikan ako sa ulo. Nanigas ako dahil sa kanyang biro na nakasapul sa akin.

"I love you, Av." I froze in silence. "I hope you know that." Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa kanya bilang tugon. I'm not even sure if a tighter hug is a response to that statement.

I did not reply back. Pakiramdam ko napakasama ko nang tao. But what can I do? I never say those words. Believe it or not, but I haven't spoken I love you to anyone. Even to my parents.

Siguro kasi ang tingin ko sa mga salitang iyon ay mababaw. Tila isa lang iyong mesa na pinagpapatungan ng totoong substance ng pag-ibig. I find it stupid that those three tiny, little words can make or break a person. Bakit maraming tao ang kumakapit sa salitang iyon? I think it's just absurd that most people let those words rule their hearts. That they let it control them. Samantalang napakadaling ipagkaloob ang mga salitang iyon sa kahit kanino kahit pa hindi naman iyon totoo. Kahit pa hindi mo iyon tunay na nararamdaman.

Dahil lang ba sinabihan ka ng I love you, kahit makita mo siyang may kasama ng iba ay magpapakatanga ka pa rin at panghahawakan ang mga sinabi niya? Dahil lang ba pinangakuan ka niya ng pag-ibig na walang hanggan, kahit na paulit-ulit ka na niyang sinasaktan ay magtitiis ka pa rin dahil sa mapanlinlang na mga salitang iyon? Dahil lang ba sinabi niya sa'yong mahal ka niya, kahit pa pinili ka na niyang iwan at ipagpalit sa iba ay kakapit ka pa rin sa katiting na pag-asang baka mayroon siyang mabuting dahilan kung bakit ka niya ginago?

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon