Kabanata 5 - Everything May Fade

4K 125 20
                                    

Note: Filan's name is read as "Fai-lan" ha, not "Fee-Lan". Wala lang, share lang. Haha!
==========

Kabanata 5
Everything May Fade

Pumasok ako sa kotse ni Filan na naghahabol ng hinga. Nilakasan ko ang aircon niya at nagpaypay. Napakainit ngayong araw. Dagdag pa na sobra ang traffic kaya ang nangyari, tatlong kumpanya lang ang napagpasahan ko ng resume. Isang car company, isa sa advertising agency, at isa sa real estate.

Harinawa ay may tumawag naman sa akin sa tatlong 'yon.

Binuksan ni Filan ang binili niyang bottled water kanina at ibinigay sa akin. Abala rin niyang inayos ang aircon para sa'kin.

I suddenly feel guilty for being rude to him. Kanina ay sinabi kong ako na lang ang papasok sa mga building pero he insisted na sasama siya dahil ayaw niya akong pag-isahin, lalo na't ganito kaiksi ang suot ko. Para namang may mananamantala sa akin ng tanghaling tapat! Eh kung tutuusin ay mukhang mas delikado pa ako sa kanya. But then, I really appreciated him, being a gentleman.

Hindi ako nabored paghihintay sa pagpapasahan at sa paglalakad nang dahil sa kanya. I didn't know that it's possible for me to enjoy his company. Alam kong napagod ko siya ngayong araw kaya nakaramdam ako ng hiya at pasasalamat.

"Thank you, Fai." Nilingon niya ako pagkasabi ko noon.

Ngumiti siya sa'kin at ibinalik ang tuon sa aircon, "Naiinitan ka pa ba? Is this okay to you? Itotodo ko na sana pero baka matuyuan ka ng pawis, magkasakit ka pa. Naka-fan lang muna."

Lumapit siyang muli sa akin at inabot ang seatbelt ko, sinigurong nakapirmi sa akin. Hindi ko naman matanggal ang tingin ko sa kanya habang umiinom ako ng tubig. He can be an angel rin pala. Ngayon ko lang napansing walang bahid ng kamanyakan ngayon ang itsura niya. He looks normal now. And by the term normal, it means, still screaming handsomeness all over him.

"I mean, thank you for today. Naappreciate ko. Salamat." Inikot ko ang takip ng bote para maisara ito. Batid ko ang pagkagulat at paninitig niya sa'kin ngayon kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay.

He painted his famous grin, "Ano na lang kung wala ako sa buhay mo?"

"Okay na e, sinisira mo nanaman 'yung moment. Drama king!"

Nagtawa siya at inagaw nanaman ang atensyon ko, he held my chin on a sudden at ihinarap sa kanya.

"It's my pleasure, Honey. Ikaw lang naman kasi e, ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon. If you only knew how good boy I am." Bumagsak ang tingin niya sa labi ko at sa hindi ko matukoy kung anong parte ng katawan ko. Hell! Tama ba iyong nakita ko? He checked me out for like five seconds! The nerve of this guy!

Binawi niya agad ang kamay niyang hawak ang baba ko. Parang nagkukumahog niyang pinaandar ang sasakyan at humawak nang mahigpit sa manibela.

Napakunot ako ng noo. What's with the sudden rush? Hinuhuli ko ang mga mata niya pero tila iniiwasan niyang lumingon sa gawi ko. "Anong meron?"

"I'm a good boy, a very very good boy." Weirdo niyang tugon na para bang may pinipigilan. Bibigwasan ko na 'to! Pinapakaba ako, e!

Doon ko lang napansin na nakaangat pala ang palda ko na above the knee. Halos makitaan na ako ng... Jusko!

Mabilis pa sa kidlat na ibinaba ko 'yon. Ginapangan ako ng kaba at hiya. Feeling ko umakyat na rin ang dugo ko sa pisngi. Hindi ko man lang namalayang nasisilipan na ako. Siguro nung pagsakay ko dito sa kotse nya, nakalimutan ko nang ayusin ang damit ko.

Direkta pa rin ang tingin niya sa daan at seryoso. Hinampas niya nang bahagya ang manibela at narinig ko ang mahihina niyang mura. Could he possibly be...

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon