Kabanata 22 - Not Anymore

2.5K 105 13
                                    

Kabanata 22
Not Anymore

Dahan-dahan kaming lumapit sa likod ni Filan. Ngumuso si Rian senyas na tignan ko ang pinagkakaabalahan ni unggoy. Mukha nga namang seryosong seryoso siya sa kung anumang nasa cellphone niya.

Yumuko na ako sa gilid ng mukha ni Filan mula sa likod niya, only to see him watching a hideous thing. Nadinig ko pa ang kung anong ungol sa kanyang headset.

Binatukan ko agad siya at lubha niya iyong ikinagulat. Pagkalingon sa akin ay nanlaki ang mga mata niya't biglang napatayo. Initsa niya pa ang phone niya kay Paolo. Pati ang headset niya'y binato niya sa sofa.

"Hindi pa lumulubog ang araw nanonood ka na ng porn! Ugok ka!" Nagpamaywang ako at nagkunwaring galit-galitan.

"Honey!" Bati niya. "Ayos ka na ba? Hindi ka pa magaling ah? Baka mabinat ka. Ininom mo na ba ang gamot mo?" Lumapit pa siya sa akin at hinawakan pa ako sa magkabilang pisngi pero tinulak ko siya sa mukha niya.

"Huwag kang change topic! Libog mo talaga!" Humagalpak sila ng tawa.

"Na-real talk ka pre!" Tawa ni Paolo.

"Si Paolo! Si Paolo ang nanonood nun, inabot niya lang sa'kin bigla! Ang bastos pala 'di ko naman alam. Biktima ako dito, Honey!" Palusot niya pa na ikinatawa nila. Pinipigil ko lang ang tawa ko.

"Oh! Dinamay mo pa ako!" Humalakhak na kami dahil sa ibayong pagtatalo nila.

"Huwag ka nang mambintang. Kanina pa ako nandito." Tumabi na ako kay Rian ngayon sa sofa.

Kita kong nakaawang ang labi niya. "Kanina pa? Anong naabutan mong usapan namin?" I heard his nervous tone.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nginitian. "Wala ka bang work-out ngayon?"

Napamura si Filan at napapikit. Tinawanan siya ng mga kaibigan. Tinitigan niya ako na parang binabasa na ngayon ang nasa isip ko. Oh, Filan, you can't read my mind.

Nagpractice ang grupo ng ilang kanta. Pero si Filan ay hindi gaanong nakikicooperate sa kanila. Napupuna ko na palapit nang palapit siya sa tabi ko hanggang sa ang kanyang kamay ay nasa kabilang baywang ko na pala.

He touched my forehead and neck.

"Ayos na nga ako, Fai. Huwag mo na akong alalahanin."

Pinagpatuloy ko na ang panonood kina Paolo sa harapang sofa pero hinawakan ni Filan ang aking baba at ihinarap ang mukha ko sa kanya. "Baka mapagod ka. Hindi mo sinabi sa'kin na pupunta ka, I should've picked you up."

"I'm bored. Lalong sasama ang pakiramdam ko kung magkukulong lang ako sa bahay."

Napapaso ako sa kanyang tingin, Tinanggal ko na ang kamay niya sa aking baba. I'm not used of this proximity. Ang lapit namin sa isa't isa! Hindi ako mapakali! Gusto kong lumayo muna sa kanya at umupo na lang sa kabilang sofa dahil nakakatakot na ang sobrang lapit naming distansya. I can almost hear my heartbeat and it's scaring the hell out of me!

"You should've stayed home. Ako na lang sana ang pumunta sa bahay mo para may makausap ka. Ayan tuloy, nag-commute ka pa." Binalewala ko na lang ang sinabi niya. They continued practicing some songs and it's strange I haven't got bored listening and watching them.

Nang maluto ang pizza ay tumigil lahat sa ginagawa. Inakbayan ni Filan si Rian pagkakuha ng slice ng pizza. Pagkakagat niya'y napapikit pa at umungol. Bakit kailangan pang ganoon ang reaksyon niya?!

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon