Kabanata 27 - My Anchor

2.5K 95 18
                                    

Kabanata 27

My Anchor

"Tayo na," sabi ko kay Shawn sa may gate. Kadarating niya lang para sa date namin.

Gumilid siya para makadaan ako papunta sa kotse niya. Natatawa naman ako dahil hindi niya pa na-gets.

"Tayo na nga," Pakiramdam ko ay ngayon pa lang ako nagdadalaga.

Dahil sa pagngisi ko ay unti-unti niyang naintindihan. "Tayo na? As in... Tayo na talaga? Ikaw at ako?"

Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat pero umuna na ako paglalakad at humalakhak. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya pero bigla niyang pinulupot ang braso sa aking baywang at binuhat ako. "Shawn, ano ka ba! Ibaba mo ako baliw 'to!"

"Thank you, Av! Thank you! Hindi ako makapaniwala, akala ko papahirapan mo pa ako ng mga sampung taon, e." Nagtawa kaming dalawa.

He pressed his palms on my cheeks at umambang idadampi ang labi sa akin pero umiwas ako. That... I can't give in to that yet. Kiss is too sacred to me. Parang hindi ko pa kayang ibigay iyon.

"Oh, nakalimutan kong dalagang Pilipina ka nga pala." He chuckled and kissed my nose instead.

"Shawn, may isang pakiusap lang ako. I want this private. Gusto ko sanang tayo lang munang dalawa ang nakakaalam. Please..."

"Gusto mo lagi ang masusunod, mahal na reyna." Niyakap niya na ako. I guess he's too happy to refuse. "At dadahan-dahanin natin ang lahat, Honey."

I stiffened to hear him called me Honey. Something about it just feels so off. Para bang may binabagayan ang pangalan kong iyon na hindi pwedeng banggitin ng ibang tao. That my name Honey is only exclusive for someone else...

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Ninakawan na lamang niya ako ng halik sa pisngi. Ayoko pa talaga nito pero pinipilit kong sanayin ang sarili ko sa ganitong eksena, pati na rin kay Shawn.

Isinantabi ko ang lahat ng pangamba at ibang gumugulo sa isip ko. Maagap kaming nagsimba. Wala rin yata kaming ginawa ni Shawn kundi ang kumain nang kumain, pagkatapos ay nanood ng sine, at namasyal. Inenjoy ko talaga ang araw na ito kasama ang boyfriend ko. Haaay, nakakapanibago talaga ang lahat.

Pero sa pag-eenjoy ko, para bang may kung anong kulang. I can't pinpoint what is it that's missing. Shawn is very sweet and fun. Madaldal din siya at masarap kasama pero... Ibang-iba sa klase ng saya at samahan na nakasanayan ko kay Filan.

Kailan ba siya aalis sa isip ko?

Speaking of that guy, he just texted me. Saktong pauwi na kami ni Shawn. Sinabi kong kailangan kong umuwi before 7 o'clock. Ayoko na kasi ng ginagabi ako.

Leche Filan:
Kumusta ang lakad niyo ng Papa mo? Punta ka naman dito sa Filantro, Hon. May Valentines Special performance kami ng JP. Or just text me, susunduin kita. Ora mismo! ;)

Napapikit ako nang mariin. Iyon ang idinahilan ko para makatanggi sa kanya ngayong araw. I feel so bad! Nagawa ko nang magsinungaling kay Filan.

Pero hindi ko naman matiis!

Pagkahatid sa akin ni Shawn ay nagpahinga muna ako saglit sa kwarto. Naligo pa ulit ako. Pero most of the time ay natutulala ako. Boyfriend ko na nga ba si Shawn?

By around 9 o'clock ako nakarating sa Filantro. Umuugong ang bar. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si Filan sa may stage. I searched for vacant tables and I saw Jastrine and Rian. Kumaway sila sa akin at nagmadali akong lumapit sa kanila.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon