Wakas

1.1K 70 218
                                    

Wakas
Filan Fontaniel's POV

"Wala na pala sila ni Shawn, matagal na," banggit ko kay Kelsey habang pinapasadahan ang bawat litrato rito sa photobook ni Honey na pinulot ko nang mahulog ang bag niya sa muling pagkikita namin.

These are mostly our pictures. Ba't nagtatabi pa siya ng pictures namin? Bakit kaya hmmm?

Nanatiling tahimik si Kelsey kaya nag-angat na ako ng tingin. Nakita kong malaki ang kanyang ngisi na alam kong may ibig sabihin.

"Bakit? Sinasabi ko lang eh. Share ko lang, ganon," giit ko sabay nguso. Bumalik ang titig ko sa graduation picture ni Honey kasama ako.

"Oh really?" aniya na tumabi sa akin at nakitingin sa pictures namin ng ex ko. Tss.

"Wala na akong pakialam, Kels."

"Walang pakialam your face. 'Yang rupok at tanga mong 'yan," pang-aasar niya sa akin at saka humalakhak.

"Usapang tanga ba kamo?" tirada ko na nakapagpasimangot na sa kanya.

I met Kelsey when I went back to the States after Honey called it quits. Lubos akong nasaktan sa ginawa niya pero nakalipas na ang ilang buwan noon, kahit saan man ako magpunta ay alam kong siya pa rin. Siya lang. Siya lagi. Ganoon ako kalulong sa kanya na kahit tambaran ako ng mga magagandang babae at ubod ng sexy ay wala ng epekto sa akin.

Kahit Miss Universe pa 'yan, wala akong paki. Basta't si Honey lang ang baby ko, ang baby ko, at siya lang ang nasa isip ko, sa puso ko.

When I met Kelsey, she was at the same condition as me. Brokenhearted and worse but our situations are different. Ako, iniwan ng taong mahal ko. Siya naman, pinaghiwalay sila ng taong mahal niya. Kelsey's family is rich. Even richer than ours. Being the only heiress of their group of companies, it was like already written to the stars that she would be promised to marry a man that can fit or surpass their standards. In short, hindi siya pwedeng magmahal ng hindi laki sa yaman.

Siya ang tumulong sa akin para pansamantalang lumimot sa takbo ng oras at ganoon din ang naging papel ko sa kanya. Technically, we are just like close friends . . . with no benefits. Kahit ako 'di makapaniwala pero totoo. Good boy 'to!

I guess I can call her as my bestfriend number 4. Kasi number #3 si Rian, #2 si Jastrine, tapos #1 si Honey. Kaya pala ganon noh? Kasi ini-ONE niya 'ko. Korny ko boy!

Anyway, may mga pagkakataong sinubukan naman naming dalawa na totohanin ang relasyon, kaso wala talagang bisa eh. Ika nga nung tropa kong sawi na si Olivia, yes she's beautiful, she looks kind, and she probably gives me butterflies . . . pero wala pa rin talaga. Hindi effective sa akin ang alindog ni Kelsey kaya hanggang friend zone lang siya.

Her charms are not enough to mend my heart strings intact again. Ganoon din siya, walang talab ang abs ko sa babaeng 'to na walang ibang bukambibig kundi ang lalaki niya.

We are currently under a mission to fulfill her love aspirations. I let her use me as a pretend boyfriend just so she could secretly be with her real one. Sa katunayan ay ayaw na no'ng lalaki na ipagpatuloy dahil maaaring ikapahamak ito ni Kelsey sa family niya pero ano pa nga bang aasahan namin? Kelsey is a silent rebel. Walang makakapigil sa kanya. She's also the craziest rich asian I know, 'when it comes to love' version.

The engagement we did was a perfect cover-up to support their relationship. Dahil doon ay nakalaya na si Kelsey sa napakaraming bodyguards.

"So what's the next plan?" bagot kong tanong sa kanya habang itinabi ang photo wallet ni Honey at nagdadalawang-isip pa kung ibabalik ko ba sa kanya.

"We'll proceed with the wedding preparations s'yempre! Eh ikaw? What's your next plan after knowing she's single?" Nagtaas-baba ang kilay ni Kelsey na nang-aasar.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon