Kabanata 6 - Who He Is

3.6K 143 7
                                    

Kabanata 6
Who He Is

Hindi ako nakaimik. Iniisip ko pa ngang baka nagbibiro lang siya pero paano kung totoo nga? Anak talaga siya sa labas?

Tahimik naming pinanood ang paglalagay ng orders sa mesa. Nanuyo ang lalamunan ko, hindi ko na yata alam kung paano siya kakausapin. Hindi na rin naman niya dinugtungan ang sinabi kaya tingin ko'y ayaw niyang pag-usapan.


Kinuha niya ang kubyertos ko't inabot sa'kin, "You can ask me questions. Pero huwag muna ngayon kasi gutom na ako, e." Tumawa siyang bahagya pero alam kong excuse niya lang 'yon para makaiwas pag-usapan. "Kain na, Honey."


Nang ngumiti siya'y mas napanatag ako. Malay ko ba kung emotional palang tao 'to at baka mamaya'y makaisip na lang magsuicide o ano. But of course I'm just exaggerating. Ikinain ko na lang ang lahat ng gumulo sa isipan ko.

Galit ako sa anak sa labas ng Papa ko. Si Febry Arquia, panganay sa magkakapatid na Janus at Marich. Domino effect. Iyon na rin ang naging dahilan para kamuhian ko ang lahat ng kabit at mga anak sa labas. Pero nang makita ko ang pagbagsak ng ekspresyon ni Filan at maramdamang parang nanuot sa kanya ang lungkot ay tila unti-unti ring kinukurot ang puso ko.

That I should consider other's feelings too sometimes. What does it even feel to be an illegitimate child? Na ano na lang pala kung ako ang nasa kalagayan niya?

Tanggap ba siya ng legal na pamilya? Galit ba sa kanya ang mga half-siblings niya? Pinapahirapan ba siya? Kinamumuhian? Itinatakwil? Ipinaparamdam na walang puwang ang tulad niya dahil isa siyang kasalanan?

But then naisip ko ang karangyaang tinatamasa ni Filan ngayon. May kotse, may pera, may sariling bar, sumisigaw ng yaman ang mga suot, at tindigan pa lang niya'y alam mo nang mukha namang hindi siya pinabayaan. Marahil ay tanggap siya.

Walang nagsalita sa'min habang kumakain kahit makailang beses kong nahuhuling nililingon niya ako. Siguro'y tinatantya ang mood ko o nangangapa pa ng sasabihin.

Nang maubos ko ang pagkain ay naalala ko nanaman ang masaklap na nakaraan. Hindi nga yata sapat si Filan para mapawi ang pananaw ko tungkol sa mga katulad niya. Iyong anak sa labas ni Papa, iyon ang naging rason kung bakit ako mag-isa ngayon. Na sa halip ako ang maging masaya dahil may nanay at tatay ako, siya pa na anak sa labas ang nagkaroon ngayon ng kumpletong pamilya. And I hate her for that. No. I loathe her so much. Life is stupidly unfair.


"Are you done, Hon?" Doon lang ako natauhan. I nodded as an answer but I know I'm still drowning in deep thoughts.

"Do you want to go home?" Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko pa alam ang isasagot. Napansin niya 'yon kaya ngumiti na parang nakaisip ng magandang ideya. "Sama ka sa'kin?"

"Saan, hanggang anong oras, sinong mga kasama?"

Natawa siya sa seryoso kong tugon. "You sound like a strict wife." Pagod ko siyang sinimangutan.

"Band practice. Tara, Honey bee." He pouted at tumayo na. Inalay niya ang kamay sa'kin pero 'di ko 'yon tinanggap at nauna nang maglakad palabas ng restaurant.

He opened the door of his car for me, "Iuuwi kita ng 8 o'clock. Doon lang tayo sa bahay ni Rian, bandmate slash bestfriend number 3."


I put my seatbelt on bago pa siya makasakay. Ayoko kasing mamihasa na siya ang gumagawa ng mga simpleng bagay tulad nito. Baka masanay pa ako.

I'm fond of being independent. I don't need to depend on anyone.


"Bestfriend number 3?"

"Jastrine's my number 2. Paolo's the fourth. Tapos si Will naman ang pang-lima. Ikaw Hon, gusto mo ba? Pwedeng-pwede ka naman sa number 1. I'm sure they can accept it. Tsaka wala akong bestfriend number 1, feeling ko kasi aasawahin ko na kapag ganun." Tumawa siya. Bumilis ang kanyang pagmamaneho nang matiming-an naming walang traffic sa daang ito.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon