Kabanata 11 - Malambot Pala

3.2K 107 4
                                    

Kabanata 11
Malambot Pala

"Namiss ko talaga ang pinakamamahal kong babae." panlalambing ni Filan sa Mommy niya.

It's actually cute. Pero tuwing maaalala kong babaero si Filan at baka ginagamit niya rin ang litanyang 'yan sa mga kalandian niya ay naiinis ako. Kairita naman kasi hindi ba?

Minsan nga napapaisip ako, hindi ba nangungulubot ang patola niya? Mukhang laging nai-steam, e. He should really stop doing it. It makes me puke! Hindi ko na rin alam paano pa ulit tignan si Filan sa mga mata niya dahil tuwing titignan ko siya ay talagang nasasagi sa utak ko ang larawan ng karumal-dumal niyang ginawa kagabi.

The heck! Kagabi lang nga pala 'yon lahat!

Abala kami ni Georgette sa pagliligpit sa kusina. She seems kind and she looks smart. Para bang tignan mo pa lang siya ay alam mo nang siya iyong tipo ng babaeng may ibubuga. Beauty and brains, not a plastic and brainless barbie-chaka doll.

Malayo ang mukha niya kay Filan pero kita mo pa rin na maganda ang lahi nila. Lumilitaw ang kaputian niya. Hindi siya sobrang chinita pero halatang may dugong chinese. Tingcungco clan, it's not too subtle not to notice the surname being chinese.

Sabi ni Georgette, hindi pure blood ang Papa niya. Same with her grandparents. Half-chinese yata ang Lolo niya. Ah basta, may dugo siyang chinese, tapos!

Hindi ko makitaan ng pangit na anggulo itong si Georgette. I guess magaganda ang lahi ng mga Valerozo at Tingcungco. Okay fine, pati na rin ang mga Fontaniel.

Ang sarap ng niluto ni Tita Dayanara. O siguro, hindi lang ako sanay makatikim ng luto ng isang ina.

Kahit sa saglit na oras, nakasundo ko si Georj. She wants me to call her that way so be it. Ka-edad ko lang siya at graduating na sa pre-med course. Itutuloy niya iyon sa Medicine next school year. Siya ang masasabi kong kamukha talaga ni Tita Dayanara. Lutang na lutang ang ganda niya. In my opinion, she actually has a resemblance of that Hollywood celebrity, Chloe Moretz.

"Hay nako, nambola nanaman ang bolero kong anak. Baka mamaya may lumapit na lang sa'kin na babaeng bilog ang tiyan ah. Oh my one and only son, don't give me a high-blood pressure! Hindi ko pa kakayanin 'yon." Nagtawanan kami. Nako, hindi malayong mangyari iyan.

Hinalikan naman siya ni Filan sa pisngi. "Maingat ako, Ma. Sweet lover yata 'to."

"Ano ka driver?" pang-asar naman ni Georgette.

Lumapit si Georgette sa kanila at sumama sa yakapan. I suddenly felt a pain in my heart at the view. Kwento nila kanina, susunod ang Papa ni Georj dito para sama-sama silang mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Good for them.

But I'm curious kung saang pamilya sasama si Filan sa mga okasyong iyon. Here with them or sa Fontaniels?

Buti pa ako, hindi ko kailangang mamili. I'm used to be alone anyway.

"Jet-Jet, ang blooming mo ngayon ah? May boyfriend ka na ba? Dadaan muna 'yan sa'kin Georj. Patutumbahin ko pa 'yan." Umakbay si Filan sa kanya at pinalo siya ni Georgette sa dibdib.

"Ang OA mo kuya. I'm a grown up, saka hindi naman ako katulad mo na loko-loko, e."

"Eh kahit na, 'di ba Ma? Kapag may manliligaw 'to sabihin mo muna sa'kin nang matesting ko, baka mamaya bading pala. Imbis na kay Georj, biglang sa'kin pala bumigay!" We laughed in harmony. Semplang talaga ang utak nito!

"Teka, parang bihis ka? May pupuntahan ka ngayon?"

"May dance practice ako, Kuya."

"Text me when you're done anak, magshopping tayo. Let's bond." Wika ni Tita.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon