MAYBE. SOMEDAY.
2 years? 3 years? 5 years? Even 7 years or more.
Ano ba? Kelan ba ako titigil sa kahibangan kong ito.
Sobra na akong nasasaktan pero hindi pa rin tumitigil tong puso ko.
Martyr na Masokista pa.
Anong magagawa ko ganito ako e, ganito ang puso ko, kung paanong paulit –ulit sabihin ng utak ko na tumigil at sumuko na ako ay ganoon din ang puso ko, patuloy nitong pinagsisigawan ang pangalan ng lalaking minahal ko sa unang pagkakataon.
Bakit ba karaniwan sa first love ka bigo? Sawi? Sa kanya mo unang nararanasan ang pag-iyak ng gabldeng luha? Sa kanya mo nararamdaman na parang sinagasaan ang puso mo ng 10 wheeler truck. At hindi pa yun nakuntento, nagpabalik –balik pa yun dahil para paulit –ulit na magulungan ang puso mo.
1st Love? I suffered a lot.
But it helped me.
~~~
“tara sabay na tayo.” Sabi sakin ni Rin. Reigh Rin talaga ang pangalan kaya lang mas gusto ko yung Rin kesa dun sa Reigh. Ang artii ng spelling ha. Pwede naman R-E-Y nalang -__- bakit ko ba yun pinapakialaman?
“wag na … baka magselos pa ang Jessie mo.” Sabi ko nalang.
“edi mabuti kung ganun. Pero imposible yun e.” tapos ngumiti niya ng .. malungkot na ngiti.Masakit pa rin pala kahit sanay ka na.
BINABASA MO ANG
Maybe.Someday. [ COMPLETED ]
Teen FictionI am still hoping … Hoping that Maybe.Someday. He will love me back.