Dedicated naman ang chapter na ito sa isa rin sa mga nagpaiyak sa kin. T.T Kean ... huhuhu ... (oo. Hahaha! Di pa rin ako nakakamove on. Chos! XD) Anyways, Miss Girlinlove i hope this little effort of mine will make you smile :) God bless ^_^!
(You can listen to the song on the side ----->)
~~~~~Krys' POV~~~~~
Monday na ulit! Kailangan kong galingan para mapanatili ko yung pagiging Dean’s Lister ko. And besides ilang days nalang din bago yung sinalihang contest nina Honey at my Black Butler. Lalala~! Nandito nga kami ngayon sa Gym, nanunuod kami ng practice nila.
“Go Honey!”
Hehehe! Kasama nga pala namin ngayon si Roby, may banner pa nga siya e!
“Go Honey! Whooo! You’re such a goddess!”
Hahahaha! Ayaw paawat kahit na kanina pa siya pinapatay ni Honey sa tingin. Ang sweet nga e.
“Maaasteeeer Kryyys!”
“Ayiee!” sabi naman nung dalawa kasi tinawag ako ni Sebastian at kinawayan pa.
Eh .. kasi naman .. ano .. kyaaah!!! Sabi niya kasi magiging Black Butler ko na daw siya at ako naman ang master niya. Proprotektahan niya daw ako at all cost. Eeeeh?? Pakiramdam ko nag-iinit na naman yung mukha ko.
“Hahahaha! Namumula ka na naman MASTER Krys!”
“Ano ka ba Dar yung BUTLER lang niya ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganun!” sabi pa ni Grant.
Ah-ah naman ii~! Si Sebastian kasi pauso. Simula nun naging makulit na sya pag kasama ko. No dull moments with him around~!
Pinanuod nalang ulit namin sina Honey. Ang galing niyang maglakad! Pwedeng-pwede siyang maging model! Kapag ako naging Director na, isa sya sa mga kukunin ko kaagad na cast sa movie na gagawin ko … waaah~! Tapos si Roby din! Siguradong papatok yung pelikula. Mag start na kaya akong gumawa ng novel for them. Tama! Sila naman ang gagawin kong character! May mga ilang novels na rin akong nasulat and s-si … R-rin palang ang nakakabasa nun … napahawak ako sa dibdib ko.
“Krys are you okay?” Tanong ni Cas.
“Ah oo naman. Punta lang akong CR ha.”
Nakahawak pa rin ako sa chest ko … bumigat na naman yung pakiramdam ko.
Imbes na sa CR ako pumunta dumiretso nalang ako sa clinic.
“Nurse pwede po ba akong magpahinga dito sandali. Sumama po kasi ang pakiramdam ko e. May ilang minutes pa naman po ako bago ang next class ko.”
“Sure, walang problema. Dun ka nalang sa sumunod na kama humiga, may tao na kasi dyan sa isa.”
“Salamat po.”
“Eto oh. Bago ka humiga.”
“Ah hindi na po. Ipapahinga ko lang naman po to tapos wala na rin maya-maya.”
“Sige pero lapitan mo lang ako kung may kaylangan ka ha.”
“Salamat po ulit.”
Para naman akong napako sa kinatatayuan ko ng sandaling marinig ko yung boses – niya.
“May masakit ba sayo?”
Sasagot na sana ako kaso hindi pala para sa akin yung tanong na yun … a-akala ko nasa likod ko siya.
Napasilip ako sa harang na tela … si Rin … n-nakasandal sa balikat niya si Jessie.
SHOCKS!
BINABASA MO ANG
Maybe.Someday. [ COMPLETED ]
Teen FictionI am still hoping … Hoping that Maybe.Someday. He will love me back.