~~~~~Krys's POV~~~~~
Hay sa wakas na karating na rin kami.
Waaaaaaah~! Hindi ko pa rin makalimutan yung kanina. Ang kulit ko rin naman kasi e. Pero bakit naman kasi ayaw niya akong pangitiin? Kasalanan na ba yun ngayon? Kailangan na ba ng lisensya ngayon para ngumiti?
“Are you ready?” he asked.
“Aye Sir!” tapos nagsalute pa ako.
“How come that you’re so cute?”
NUDAW???
“Hahaha! lalo na kapag namumula ka.”
Ghaa~! Sebastian naman ii!
“Ikaw din naman kanina e. Hahaha!” sabi ko nalang baka may kung ano na ang masabi nito e.
Nag exchange na kami ng seats.
Okay. I can do this. Tanda ko pa naman yung mga turo nina Kuya.
Breathe in.
At wag kalimutang mag Breathe out!
Inistart ko na yung engine and si Sebastian naman nakangiti lang habang pinapanuod ako. Wag ka ngang ngumiti. Nasisilaw po kaya aku.
Nagstart na akong magdrive and YEHEY~! Ang galing ko! Haha! Naglibot lang kami sa subdivision. Nadaanan pa naming yung bahay nina Dar, Honey, pati din yung amin at tsaka nakita ko na din yung bahay nina Sebastian. Pati din pala yung bahay nina – Rin, nadaanan din namin. Namiss ko tuloy siya bigla.
Eh kasi naman pinagbabawalan talaga ako nina Cas na lumapit ng lumapit kay Rin. Paano daw ako makakamove on kapag ganun. And besides busy din naman siya kay Jessie e, he doesn’t need me so why bother. Baka nga hindi na nun ako naaalala.
Shocks~! Naiiyak na naman ako.
Hindi pwede Krys! Focus!
BINABASA MO ANG
Maybe.Someday. [ COMPLETED ]
Novela JuvenilI am still hoping … Hoping that Maybe.Someday. He will love me back.