Kabanata 19: Coming Home.

431 11 0
                                    

Dedicated to Ms.ModernongMariaClara ^_^ Two thumbs Up po talaga ako sa mga ginagawa niyong stories .. (isama niyo na rin po yung thumb ko sa paa to make it Four XD) Talaga pong sinearch ko pa yung part two ng My Personal Slave >.< (naabutan pa nga po ako ng tita ko na nagcocomputer pa pero dedma langs XD Haha!) God bless po Miss M~! :))

~~~~~Krys' POV~~~~~

Natagpuan ko nalang yung sarili ko sa harapan ng bahay namin. Hindi ko kayang pumasok. Pero wala na akong lakas para magpunta pa kung saan.

Bumukas yung pinto namin .. kinabahan ako bigla. Siguradong magtatanong sila kung anong nangyari. Ayaw kong magalit sila kay Rin.

“Bunsoy!” -sigaw ni Kuya Milo tapos mabilis siyang tumakbo para pagbuksan ako ng gate. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

“Anong nangyari Bunsoy?” ramdam ko yung pag-aalala ni kuya.

“Si Reigh-reigh ba?” pagkarinig ko nun, bumigat na naman ang puso ko at muling umagos ang mga luha sa pisngi ko.

“Kuyaaaaa!!!” iyak lang ako ng iyak sa dibdib ni Kuya.

“Milo? Anong nagyayari? – Krys?!”

“Ate ..”

 Then everything went blank.

“Ate gisingin ko na kaya. Kanina pa siya tulog e baka nagugutom na ang Bunsoy ko.”

“Wag kang maingay Milo! Kaylangan nyang magpahinga. Halata namang pagod na pagod siya.”

“Ano na naman kaya ang nangyari? Simula nung gabing hindi sya umuwi hindi na natin sya nakausap tungkol dun.”

Sigurado akong boses yun nina Ate.

“Kuya wag kang maingay.”

Maybe.Someday. [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon