Kabanata 4: This is it! My 1st Date >///>

534 10 0
                                    

~~~~~Krys' POV~~~~~


“Ma’am okay na po.”

“Thanks Abby! Your da best!”

“Just tell Mom na nagdrop by kami ha?”

“Opo Ma’am Casielle.”

“What do you think huh? Krys?”

Ang ganda. Bumagay nga sakin.

Pinutulan yung buhok ko hanggang balikat tapos nilagyan din ng highlights na kulay red at tsaka ng bangs. Yung bangs na naiwa-one side ha hindi katulad nung bangs ni Dora. Nilagyan nga din pala kami ng light make up.

Okay I admit it. Maganda. Pero there is in the back of my mind na nagsasabing  …  this is not me.

“Baliw ka talaga. Simplicity is beauty Krys.”

Naalala ko bigla yung sinabi ni Honey.

Pero wala namang masama kung kahit isang araw lang diba? Tama. Bukas din, I’ll ask Cas para ipatanggal yung highlights. Okay naman sakin yung gupit, this will do. Siguradong mabibigla si Kuya Nick.

“Milady!” si Grant, kasama yung – yung pinsan daw niya.

Ghaad~! Ang -- ang gwapo niya. Foreignish ang dating.


“I told you quit calling me Milady. Pakiramdam ko ako yung nagtaksil sa Three Musketeers.”

“nanunuod ka pala ng ganun?” tanong ko kay Cas.


“Oo. Gawa kasi nitong Grant na to e. Nung nagyaya siyang magmovie marathon ang mga dala niyang dvd ay horror movies napahalo lang ata yung Three Musketeers, ey ayaw ko naman ng horror so yung nalang ang pinanuod namin.”

“Hahaha! Favorite ko kaya yun, lalo na si Titanium. Ang cool niya.”

“Uuuh .. girls, hello. People here.” Said Dar. Dumating na rin pala si Eugene, her boyfriend.


“By the way guys, this is Sebastian my cousin. Tourism student din siya sa Q.U.”

“yeah we heard it, nakaloud speak ka kaya kanina.” Sabi ni Dar na natatawa-tawa pa.

“What?! Casielle de Guzman ang hilig mo talagang magloud speak kapag nag-uusap tayo.”

“Bakit may reklamo ka?” sabi niya tapos nagcross arm pa.


“Sabi ko nga wala.”

Hahaha! Under si Grant!

“So, let’s go?” ask Cas

“No Cas, actually we have different plans. So we better get going. Enjoy you guys!” sabi ni Dar tapos kinaladkad na papalayo si Eugene. Pero .. nakita ko eh, kumindat siya kay Cas. Wait! Don’t tell me ~                 ?


“GRANT?! WHAT ARE YOU DOING HERE? I THOUGHT YOU WERE WITH SEBASTIAN?” biglang may babaeng lumapit samin maputi, angt kinis ng balat, matangkad at swear, maganda talaga siya. Mukhang si Cas nabigla din sa pagsigaw ni Ateng bagong dating.

“Lower down your voice! For god’s sake nasa mall tayo.”

“DIBA SABI KO SAYO SAMAHAN MO SIYA! TINAWAGAN AKO AYAW MO DAW SAMAHAN!”


“Eto na nga diba?”


“Hi Marideth!”


“oh there you are Sebastian. How you doin?”

May mega phone kaya siyang nalunok? O inborn?

“I’m fine.”


“Hinaan mo nga boses mo!”

“ANO NAMAN NGAYON KUNG MALAKAS? PHILIPPINES IS A FREE COUNTRY.”

“Ugh! Bakit ka nga pala nandito diba nasa Cebu ka pa?”

“Mamaya ko na sa’yo ikukwento tara na!” tapos hinatak niya si Grant pero napatigil siya ng hatakin din ni Cas yung kabilang braso ng boyfriend niya.


“Who are you? Let go of his arms.” Said the lady

“No. let go of his hands!”


Nako. I smell war. Selosa pa naman si Cas. May itim na aura ng bumabalot sa paligid niya.

“Wait nga! Ate pwede ba? Nagde-date kami. Umuwi ka na nga.”

“ATE?” nagkasabay pa kami ni Cas.

“DATE?”


“ah, by the way Ate this is Casielle my girlfriend and Krys her friend.”

Ooohh … wala pala dapat ikaselos si Cas. Haha! And kapag napagmasdan mo, may pagkaakahawig nga sila.

“Cas, this is Ate Maridette.”

“Hi! Finally I got the chance to see you! I’ve been dying to meet you, ya know? Palagi kang bukang bibig ni Grant. Alam mo ba tatawag lang siya sakin para lang magkwento ng tungkol sayo.” Tuluy –tuloy yung pagsasalita ng Ate ni Grant, parang armalite pero ang ganda pa rin talaga niya. Natotomboy na ata ako. Haha! Chos lang! Ang simple lang ng damit niya pero ang galing niyang magdala, sana maging kagaya din niya ako.


“Really? Ano naman po ang mga kinukwento niya?”

“Tara let’s eat muna.” Tapos hinatak na ni Ate Marideth si Cas.

“Sebastian ikaw na muna ang bahala dyan kay Krys ha. Take care of her.”


 “Sure, I will.”

What the~! Sabi na nga ba eh! Napagkaisahan na naman akoooo! Huhu! Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ako! ako! ako! sana ako nalang din ang mahal mo Rin! – ay! Teka saan galing yun?


“So where you’d wanna go?”

(c)Ate_Krystel.
Naiiyak ako sa tuwa T.T Maraming salamat sa pagbabasa mo! ^__^
HUGS AND KISSES! :*

Vote.Comment. And Be a Fan! ^0^V

Maybe.Someday. [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon