~~~~~Rin's POV~~~~~
College na kami. Buti hindi kami umabot sa K+12 Curriculum kasi 6 years na ang high school ang tagal kaya nun, parang elementary ka ulit.
“Rin!” kahit hindi ako lumingon alam kong si Krys yung tumawag sa kin. Papaano sya lang ata ang natawag sakin ng ganun, ang arte daw kasi ng spelling ng Reigh paano daw kapag pina-spell sa kanya yun, kaya Rin nalang daw. Natatawa pa rin ako sa tuwing maalala ko yun kahit sobrang tagal na nung usapan namin na yun.
“pinag –intay ba kita ng matagal, sorry ha.” Nandito ako ngayon sa favorite spot niya sa school, Green House to be exact, kahit bawal dito pumupuslit pa rin siya. Ang tigas talaga ng ulo,pati tuloy ako nadadamay. Kapag malungkot siya at pagod na daw, dito siya nagpupunta. Halata mo namang tumakbo siya kasi hinihingal na at pawisan pa.
“diba sabi ko sayo hwag ka ng tatakbo? Ang kulit mo talaga.”
“Ey kasi – “ may sasabihin sana siya kaso natigilan nung lumapit ako, pinunasan ko kasi yung pawis niya sa mukha.
“Oh bakit ka natigilan? May sasabihin ka ata.”
“Ah .. w-wala. Akin na nga yang panyo.”
“Ang taray neto. Ikaw na nga tong inaalala.”
“Tara na nga, kumain na lang tayo.”
“Bakit mo naman biglang naisipang magbaon?”
“Wala lang, napanood ko kasi sa tv ey mukhang masarap kaya sinubukan ko.” Masigla niyang sabi. Para talagang hindi to nauubusan ng energy sa katawan.
“Baka magkasakit ako dahil sa pagkain ko nito ha. Lagot ka sakin kapag hindi ako nakapasok.” Biro ko sa kanya.
“Wag na nga. Nanglalait ka na naman.” Inagaw niya sakin yung baunan na iniabot niya sakin kanina.
“Eto naman joke lang.” Binawi ko sa kanya yung baunan, gutom na rin ako e. “Kain na nga tayo.”
Nagsimula na siyang kumain … ang hinhin niyang kumain, pangprinsesa, daig pa ang nasa isang formal occasion – pero ano ba kayo JOKE LANG YUN! HAHAHA! Ang takaw kaya ng isang to.
BINABASA MO ANG
Maybe.Someday. [ COMPLETED ]
Teen FictionI am still hoping … Hoping that Maybe.Someday. He will love me back.