~~~~~Rin's POV~~~~~
“Anong sinasabi mo na hindi ako pwedeng sumama ha?”
“May pupuntahan tayo bukas.”
“Saan naman?”
Hmm .. saan nga ba?
“Basta.”
“Rin naman e.”
“Kung ayaw mong sumama sakin bukas ako nalang ang sasama sa inyo.”
“HAAA???”
“Ang OA mo Krys.” Tapos sinimangutan niya ako.
“Nakakatampo ka na nga e.” napatingin siya sakin, parang iniintay kung may sasabihin pa ako.
“Simula nung Christmas vacation hindi pa ulit tayo nakakalabas ng tayo lang. Ang huling hangout natin ey yung sa garden tapos wala na. Kapag napunta ako sa inyo palagi kang wala, kung hindi ka kasama ni Kuya Nick o Kuya Milo, kasama mo naman sina Dar. Tapos kapag tumatawag ako laging iba yung nasagot. ”
“Rin …”
“Hindi ko alam pero pakiramdam ko umiiwas ka. May problema ba?”
Yumuko lang siya.
“Krys … may hindi ka ba sinasabi sakin?”
“Wala naman …”
Yun lang yung sinagot niya sakin tapos yumuko na ulit siya. Tahimik lang kami na naglalakad, hindi ako sanay. At hanggang ngayon umuulan pa rin and medyo malayo pa kami sa bahay nila.
“Rin …” sabi niya.
“Sorry ha. Sorry kung hindi ko yun napapansin. I have my reasons.”
“Hindi ko matatanggap ang sorry mo.” Napatingin siya sakin. Nginitian ko lang naman siya. “Kailangan mong bumawi sa bestfriend mo.”
BINABASA MO ANG
Maybe.Someday. [ COMPLETED ]
Teen FictionI am still hoping … Hoping that Maybe.Someday. He will love me back.