Chapter 2

29.1K 789 6
                                    

HABANG naglalakad sina Xander patungo sa room kung saan galing si professor Cruz ay natatawa ang mga kaibigan niya. “Ngayon pa lang ay parang nakikita ko na kung paano magtatalak ang babaing sadya natin.” Ani Raven sa mga ito.

"Oo, nakita niyo yung ginawa niya doon sa loob ng book's store." Sigunda naman ni Usher sa mga ito. “She's like a emo girl.” Kumento rin ni Darren sa mga ito.

“No, she is a silly and a brat for sure. Kakaiba ang trip niya.” Ani Quen na natatawa. Samantalang si Xander ay tahimik lang na naglalakad. Ng marating nila ang room 12E ay sa labas palang dinig na dinig na nila ang nagtatawang nasa loob nito. Kaya agad na tinulak ni Raven ang pinto ng marating nila ito.

Kanya-kanya naman ng hagalpakan ng tawa ang mga estudyante sa loob ng room 12E ng Engineering Department ng makatalikod si Mr. Cruz. Dahil na rin sa kagagawan ni Kate. Natigil lang sila ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Xander at ang mga kaibigan nitong kapwa niya estudyante rin. Tuloy-tuloy ang mga itong naglakad habang nakapamulsa ang dalawang kamay ni Xander. Agad naman nakilala ni Kate ang mga itong kinataas ng isang kilay niya. Naging dalawang kilay niya ang nakataas ng humito sa harapan niya si Xander na kilalang leader ng grupo ng mga ito.

“What you did to Mr Cruz?” Ang ma-autoridad na tanong ni Xander kay Kate.

“At bakit ako ang tinatanong mo? Dapat ang tanungin mo ay yung papel kung bakit dumikit doon sa pwet ni Mr Cruz. Kaya wag mo akong tanungin tungkol dyan dahil inosente ako.” Mabilis ditong sagot ni Kate.

“Kilala mo ba kung sino ang kausap mo ngayon Miss?” Ang seryoso namang tanong dito ni Xander.

“Hmmmmp!” Sabay upo ni Kate ng tuwid at nakahalukipkip ang isang kamay at ang isa ay nakahawak sa kanyang baba na kunwari ay nag-iisip. Nang bigla ay tumaas ang isang kilay niya sabay tingin kay Xander ng tuwid. Ngunit agad din naman itong sumimangot.

“Teka. At bakit kailangan mo pang magtanong kung alam mo namang kilala kana. At hoy! Mr. Alexander Javier a.k.a Xander may utang ka pa sa akin. Akala mo nakalimutan ko agad.” Napakunot naman ang noo ng gwapong mukha ni Xander dahil sa tinuran ng kaharap.

“Pasalamat ka at gwapo ka kundi tinamaan kana sa akin kanina ng mala Jet Lee flying kick ko ng banggain mo ako dun sa book's store.” Anito sa kaharap. Kung hahamunin siya sa labanan ay hindi ito mangingiming lumaban dahil ang hindi alam ng magulang niya ay nag-aral siya ng martial arts at dahil sa malambot ang katawan niya ay hindi siya nahirapang abutin ang pagiging black belter sa tekwando at judo. Kaya malakas ang loob niya dahil may pinaghuhugutan siyang lakas na hindi alam ng nakakarami.

Halos sumakit naman ang tiyan ng mga kaibigan ni Xander dahil sa pinagsasabi ng babaing sadya nila.

“Ang dami mong satsat tumayo ka dyan and come with me.” Ang utos sa kanya ni Xander. “Eh! Kung ayaw ko, anong gagawin mo?” Ang nakangisi nitong paghahamon kay Xander.

“Kapag hindi ka pa tumayo dyan ay buhahatin kitang parang sako.” Ang mabagsik na ani Xander kay Kate, ngunit ngumisi lang ang dalaga na kinaasar ng binata.

“I’m warning you, wag mo akong subukan.” Ang galit na ani Xander ngunit baliwala lang ito kay Kate.

“Nakakapagud kaya maglakad buhatin mo nalang kaya ako ngayon din, sige na dali.” Pang-aasar pa niya kay Xander “Men, pasanin niyo nga siya.” Utos nito sa mga kaibigan niya na agad naman ang mga ito tumalima.

“Hep....hep, don't ever dare to touch me kundi sa labas kayo pupulutin.” Ang nanlilisik nitong anang sa mga kaibigan ni Xander. Kaya napakamot naman ng ulo ang mga ito. "Nagpapabuhat, tapus bigla rin palang aayaw." Ani Raven na sinamaan ni Kate ng tingin.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon