MATAPUS maayos ang sigalot sa pagitan ng mag amang Xander at Jaime pagkalipas ng mga araw ay napagdesisyunan nilang mag-ama na pumunta sa presinto para pormal na maghain ng reklamo kontra sa mag inang JM at Angela.
"Tito nandito din pala kayo, ilalabas niyo po ba si JM?" Anang isa sa mga kaibigan ng huli.
"No Ringgo why should I take him out of this jail? He deserve that, he deserve to pay all of what he have done!" Medyo mataas na tono nito sa mga kaibigan ni JM. "Anyway bakit kayo nandito mga hijo?" Mayat maya ay tanong ni Jaime sa mga ito.
"Maghahain po kami nang demanda laban kay JM, tito gusto naming mabigyang hustisiya ang pagkamatay ng isa naming kaibigan sa frats, siya po kasi ang may kagagawan." Sagot naman ng isa sa mga kaibigan ni JM.
Samantalang pinag aaralan ni Xander ang kilos nang mga ito at mukhang hindi siya makapaniwala sa kinikilos ng mga ito, pero ayaw niyang pahalata sa mga ito na nagmamanman siya kaya't tahimik lamang siya.
"May ebidensiya ba kayo mga hijo na magdidiin sa kaibigan ninyo?" Muli ay tanong ni Jaime sa mga ito.
"Meron po tito nakuha po namin ang CCTV record sa naturang gusali kaya po kami dumulog dito dahil nakakuha na po kami nang ebidendiya namin." Sagot naman ng isa.
"Siya, pumasok na tayo at pormal na maghain ng demanda laban sa gagong iyun at ng hindi na mamihasa pag nagkataon marami pa siyang mabibiktima." Yakag naman ni Jaime sa mga ito bago siya pumasok sa opisina ng hipe na siyang humahawak sa kaso ni JM.
Ang ina naman ni JM matapos magsilabasan ang mga taong nabiktima ay agad napag alaman na marami na pala itong biktima. Kaya naging unbailable case ang kaso niyang patong patong at nahatulan ng RECLUSSION PERPETUA o panghabang buhay na pagkabilanggo ng nasasakdal.
SA paglipas ng mga araw at buwan matapos ikasal sina Kate at Xander ay naging masaya silang dalawa lalo pa at malapit na manganak si Kate kaya excited na sila sa pagdating ng magiging anak nila.
"Hija! Dapat nagpapahinga ka, wag ka masyadong magkikilos. Dahil ako na ang natatakot sayo e. Kita mo naman yang tiyan mo, parang hindi lang isa ang laman." Anang byanan ni Kate na babae sa kanya. Nakangiti lang namang hinaplos ni Kate ang tiyan.
Samantala sa bahay ng mag-inang Angela at JM ay nagkagulo ang mga kasambahay nila ng makitang dinudugo ang isa sa mga kasamahan nila. Hindi lingid sa kanila ang pananamantala ng bata nilang amo dito. At kung paano niya ginawa itong parausan ang dalaga sa tuwing marahil inaatake ng kalibugan. At alam nilang lahat kung gaano kademonyo ang binata pero ni isa sa kanila ay walang nakaisip na magsumbong sa amo nilang lalaki o babae dahil sa takot. Pero ngayun nakakulong ang dalawang mag-ina ay agad nilang kinuntak ang kanilang among lalaki.
"Hello Jackielyn napatawag ka. Ano, hindi kita maintindihan. Ha! magsalita ka nga nang maayos Jackielyn dahil hindi kita maunawaan." Ani Jaime na siyang kinalingon nina Maylin at Xander dito. Kasalukuyan silang nag uusap-usap tungkol sa nalalapit na panganganak ni Kate ng tumunog ang tawagan ng ginoo.
"Sir Jaime, parang awa niyo na po sir pumunta kayo agad dito sa bahay dahil dinudugo po si Mary Grace. Hindi po kami makapunta ng hospital dahil wala po kaming pera sa ngayon, di pa po binibigay ni ma'am bago naganap ang pag-aresto sa kanya ang sahod namin at nagkataon pang naka day off ang tagamaneho." Ani Jackielyn sa among si Jaime.
"Okay! Hintayin niyo ako Jackielyn at papunta na ako diyan, ihanda niyo kakailanganin ni Mary Grace para madali tayo sa bye!" Ani Jaime kay Jackielyn sa tawagan bago niya pinatay ang tawagan.
"Dad?
"Jaime?
Sabay na saad nina Maylin at Xander dito ng maibaba nito ang tawagan niya.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomanceBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander