Chapter 10

19.9K 535 2
                                    

HABANG nakaupo si Jaime sa malaking sofa at nasa harapan naman nito si Maylin ay biglang tumunog ang tawagan niya. At ng tingnan niya ito ay agad siyang napaupo ng tuwid pagkakita niyang kumpadre niya ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Hello kumpadre." Anito.

"Kumpadre, nasa silda na ngayon si Angela. Ano ang plano mo sa kanya?" Ani Richard sa kaibigan sa kabilang linya.

"Salamat kumpadre, wag niyo siyang hayaang makalabas ng silda," agad nitong aniya sa kausap. "And by the way mayron akong paiimbistigahan sayo. I belive na kayang kaya ng mga tao mong imbistigahan ito. At malakas ang kutob kung may kinalaman si Angela dahil minsan ko ng narinig noon ang pangalan niya. But I just ignore about it, but not any more." Anitong kakikitaan ng galit ang mukha ng ginoo.

"Sige kumpadre at ano ang gusto mong paimbestigahan?" Anang kaibigan ni Jaime sa kabilang linya na nahiwagaan sa sinabi niya.

"Ang tungkol sa pagkamatay ng businessman na si Mr. Del Carmen." Anito sa kausap. "Sige kumpadre, gagawin namin ang makakaya namin." Ani Richard bago naputol ang usapan nilang dalawa.

"Oh! My God." naibulalas ni Maylin. "Ano bang pinasok mo Jaime ha!" Anito kay Jaime na hindi alam ang sasabihin.

"I'm sorry Lyn, maybe panahon narin para malaman mo ang totoo." Anito sabay buga ng hangin na ipinagtaka naman ni Maylin.

"Anong ibig mong sabihin Jaime?" Puno ng pagtatakang tanong ni Maylin sa ginoo.

"Mahirap para sa'kin ang talikuran kayo," panimula nito, na siya rin namang dating ng dalawa niyang anak na mga babae.

"Mahirap, masakit na talikuran mo ang pamilya mo. Ngunit lahat ay makakaya mo alang-alang sa kapakanan nila at kaligtasan. Ang hirap na gustong-gusto mo yakapin ang mga anak mo at asawa mo ngunit di mo magawa. Siguro, ang laki kung duwag dahil hindi ko kayang harapin ang lahat. Pero kung ang mga mahal mo na sa buhay ang pinag-uusapan ay wala kanang pakialam mabansagan kamang duwag." Anito sabay punas ng luhang kumawala sa mata ng ginoo. Maging si Maylin ay naiyak narin dahil ramdam nito ang sakit na dinadala ng asawa niya. Ngunit naguguluhan parin siya, hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Jaime. Siguro nga ay panahon na para magpaliwanag ito sa kanila.

"Ipinagpalit ko kayong pamilya ko sa ibang pamilya sa pangambang isa sa inyo ang mawala at yun ang hindi ko matatanggap. Kaya pinagkasya ko na ang sarili ko na tanawin kayo sa malayo at makitang ligtas kayo ay panatag na ang loob ko." Muli nitong aniya sabay hinga ng malalim bahagya.

"D-dad?"

"Hindi basta-bastang tao si Angela. Kasapi siya ng isang grupo na walang patawad kung kumitil ng buhay ng iba. Kaya ng sinabi niya noong dapat ko kayong iwan ay wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Dahil kapag sinuway ko siya sa gusto niya ay kayo naman ang pagbabalingan niya. Natakot akong baka isa sa inyo ang kukunin niya ang buhay sa'kin at hindi ko yun kayang mangyari sa pamilya ko. Mahal na mahal ko kayo, kaya nagtiis ako ng mahabang panahon na hindi kayo kasama. Yun ay dahil ayaw ko kayong mapahamak." Anito sabay kawala ng luha sa mga mata ng ginoo.

Dahil sa dahilan ng ginoo kung bakit niya tinalikuran ang pamilya niya ay agad siyang sinugod ng dalawa niyang anak na babae ng yakap. Samantalang si Maylin ay hindi ito nakapagsalita dahil sa mga narinig na rebelasyon mula sa asawa.

"Daddy." Sabay na bigkas ng dalawang anak ni Jaime na yumakap sa kanya. "Mga anak, patawad kung naging mahina ako. Yun na lang kasi ang tanging alam kung paraan ay iwan kayo. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko kayo mahal. God knows how I love you all." Anito sa mga anak.

"It's okay! Dad. Pwede naman tayong magsimulang muli ngayong nakakulong na si Angela." Anang pangay na anak ni Jaime na tila nagngdidiring banggitin ang pangalan ni Angela.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon