Chapter 3

27.1K 740 8
                                    

TININGNAN ni Xander ang kinauupuan ng dalaga kanina kung saan pinapalitan ng mga bakla ang kulay ng buhok nito. Ngunit walana ito doon, kaya muli niyang sinipat ang babaing nakatayo sa harapan niya na nakapamaywang.

"Ganun na ba ako kaganda ngayon at hindi mo na ako nakikilala?" Tanong ni Kate sa binata sabay hawi niya ng buhok na agad niyang kinatawa ng tipid dahil napakamot ng batok si Xander.

"Sige mga sistah! alis na kami ng fafa ko. Thank you for making me more beautiful and see hindi niya atah! ako nakilala." Anito sabay tawa.

"Balik ka ulit dito sista huh! at sama mo rin itong fafa mo ng laging pumasok ang swerti sa salon namin." Anang bakla kay Kate.

"Sure mga sistah! next time na pagbalik ko dito ay kulay blue naman ang ipakulay ko sa buhok ko." Sagot nito sa mga baklang naroon sabay kindat niya sa baklang nagpalit ng kulay ng buhok niya. Si Xander naman ay seryoso lang itong tumingin sa mga baklang naroon at agad niyang inihakbang ang mga paa palabas ng salon. Nakapamulsa sa kanyang feated black jeans ang dalawang kamay ni Xander na naglakad ng sundan ito ni Kate at umangkala sa kamay ng binata.

Habang naglalakad sila ay bawat madaanan nila ay napapatingin sa kanilang kinailing ni Kate. 'Ang hirap maging gwapo dahil halos hubaran kana ng mga malalanding mga babae na 'to.' Anang isa niyang isip. 'Mas mahirap maging pangit, dahil halos isumpa ka ng karamihan." Sabat naman ng kabila niyang isip. At dahil sa tumatakbo sa isip niya ay agad niyang ipinilig ang ulo.

At habang naglalakad sila ay agad nakita ni Kate ang isang ladies boutique. "Oy! Xander may bibilhin lang ako sa loob, pwede?" Saad nito sa binata.

"Okey! I'm gonna wait here." Anito. Napangiti naman si Kate sabay bulong nitong. "Ang kuripot magsalita." Napakunot naman ang noo ng gwapong binatang puno ng pagtataka ang mukha.

"Ang sabi ko, sige pasok na ako sa loob." Anito kay Xander bago pumasok sa loob ng boutique. Naiwan naman sa labas ng boutique ang binatang nakasandal habang nakatukod ang isang paa niya at naka pamulsa parin ang dalawang kamay.


"Babae nga naman." Naisatinig ni Xander ng makaalis si Kate sa tabi niya. Hindi niya alam kung paano siya napapayag ng dalaga na pumasok sa loob ng saloon kanina. At ng makita niya ang ladies boutique kung  saan nakatingin ang kasama ay agad na nahinuha na niya ang susunod na mangyayari. Kaya ng pumasok si Kate sa boutique ay agad siyang nagpaiwan sa labas.


At habang hinihintay ni Xander ang dalaga sa labas ng boutique ay bigla naman siyang nilapitan ng tatlong babae. Kunot noo siyang napatingin sa mga ito.

Hindi alam ni Xander ay nakikita siya ni Kate mula sa loob ng boutique. At kahit malayo si Kate sa kinatatayuan ni Xander ay agad niyang nahinuhangang gustong landiin ng tatlong babae ang binata. Kaya agad siyang lumabas ng boutique at nakasimangot itong binalikan niya si Xander.

"So, sinong kasama mo Xander?" Tanong ng matangkad na babae ngunit patpatin naman at kay kapal pa ng make up nito kay Xander. Ang isa naman nitong kasama ay pandak na nagmukhang hipon ay may patwinkle-twinkle pang nalalaman ang duling nitong mata.{opsss....churiii, brutal na ba ang panlalait ko estie ni Kate....hahaha}

Hindi lingid sa mga mata ni Kate ang hitsura ni Xander na nakaharap sa mga babaeng lumapit sa kanya. Halatang naasar ito at kung pwede lang na talikuran niya ang mga ito agad ay ginawa na niya. At dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao lalo pa't mukhang naka mega'phone ang boses ng babaing patpating. Pero mukhang sinasadya lang nitong lakasan ang tinig para magpapansin.

"I'm with my girl." Ani Xander sa mga ito na ikinanganga nila. Disappointed at laglag panga ang makikita mo sa mukha ng mga ito.

Dahil sa tinuran ni Xander ay agad na lumapit si Kate sa binata at agad niyang ipinulupot ang mga kamay sa baywang niya. Nagulat naman ang binata sa inasta niya ngunit agad din itong nakahuma. Agad itong tiningala ni Kate sabay ngiti kaya ipinulupot narin ni Xander ang isag kamay sa baywan ng dalaga.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon