MULI na sanang hahalikan ni Xander si Kate ng bulabugin sila ng katok mula sa bintana ng kotse ng dalaga, kaya napakamot na lang ng batok ang binata.
"Disturbo." Ani Xander kaya nginisihan siya ni Kate bago nito binuksan ang bintana ng kotse niya. "Bakit po?" Takang tanong ni Kate sa babaeng kumatok ng bintana ng kotse niya.
"Ah! pansensya na sa abala mga apo at makikiraan lang ako, kanina pa kasi ako nagabusina dito ay hindi niyo atah! naririnig." Anang babaeng gusgusin at mukhang may sayad dahil sa mga straw na nakalagay sa ulo nito kaya lihim na natawa si Kate.
"Ay! pansensya na po kayo, sige po aalisin ko na po itong sasakyan ko dito, tutal paalis narin po kami." Ani Kate dito.
"Let us change, ako ang magdrive ng kotse mo." Ani Xander. Kaya walang nagawa si Kate ng bumaba ang binata at gumawi sa driver seat. Pagkapasok ni Xander sa loob ng kotse ay agad niya itong binuhay at pinatakbo.
"Xander, saan tayo pupunta?" Agad nitong tanong sa binata habang nasa daan sila. "Sa aking kaharian." Sagot nitong ikinalaki ng mata ni Kate at ng mapansin ito ng binata ay agad itong natawa.
'Greend minded. But pwede rin naman.' Ani Xander sa isip na natatawa ng lihim. "Dont worry babe. Dahil alam kung magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin. I promise that." Inismidan naman ito ni Kate sabay umupo niya paharap sa gawi ng binata. Tila kinakabisa ni Kate ang kabuan ng mukha ni Xander.
"Alam kung gwapu na ako, kaya wag mo na akung titigan ng ganyan at baka matunaw ako babe." Ani Xander kay Kate.
'Babe again. God. Bakit ang sarap sa pandinig ang endearment niya sa akin. Ganito rin kaya ang tawag niya sa ibang mga babae.' Ani Kate sa isip. At sa isiping iyon ay bigla siyang nalungkot na hindi lang siya ang tinatawag ng binata sa endearment nito ngayon sa kanya. Ngunit agad din niya iyon iniwaksi sa isip sabay pilig ng ulo niya.
Pinaikotan niya ng mga mata ang binata. "Alam kung gwapu ka na at kamukha mo yung mga sikat na male model. Pero badboy ka naman." Taas kilay nitong turan kay Xander.
"Ganun? Eh! di kung may badboy may silly girl din naman ah!" Katweran agad ni Xander na kinatawa ni Kate. 'Tama nga naman Kate.' Pagsang ayon ng kabilang isip niya.
Sa halip na sagotin ang tinuran ni Xander ay upo na lang si Kate ng maayos at nanahinuk. At makalipas ang ilang minuto nilang byahe ay agad napansin ni Kate ng biglang iliko ni Xander ang sasakyan sa isang makipot na daan. Tila paakyat ito ng burol. At hindi nga nagkamali si Kate dahil ng marating nila ang tuktuk ng burol ay agad hininto ni Xander ang sasakyan sa lilim ng isang malaking puno. Agad siyang tumingin sa paligid ngunit wala naman siyang makita sa labas kundi ang mga puno lamang.
"We are here?" Tanong niya sa binata. "Yes, we are here." Sagot sa kanya ng binata at lumabas ng sasakyan. Kaya sumunod dito si Kate. At agad siyang napatutup ng bibig pagkakita niya sa tanawing tumambad sa kanyang mga mata ng makalabas siya ng sasakyan.
"Oh! My God, ang ganda ng view." Agad niyang naibulalas. Dahil habang nasa tuktok sila ng burol kung yun man ang tamang maitatawag niya kung nasaan sila ay tanaw mula doon ang buong city. "Xander. How do you found this place? Ang ganda." Hindi niya maiwasang maitanong kay Xander na nakasandal sa kotse niya. Bilang sagot ay nagkibit balikat lang ito. Kaya muling itinuon ni Kate ang mga mata sa nakikita sabay kuha niya ng cellphone at kinunan niya ang magandang view sa kanyang mga mata. Habang naaliw ang dalaga sa magandang tanawin ay bigla itong tinawag ni Xander.
"Babe, come here." Tawag ni Xander kay Kate at agad naman itong lumapit.
"Why?" Takang tanong ni Kate sa binata. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay bigla siya nitong hinawakan sa baywang at pinaupo sa hood ng sasakyan kaya mas naging maganda ang pagkakakita niya sa magandang tanawin.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomanceBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander