THE FINALE
["Sa paglipas ng araw at panahon, sugat na dulot ng kahapon ay tuluyang naghilom. Naging masalimoot man ito, ngunit ang kapayapaan ay makakamtan mo lang kung matoto kang tumanggap ng pagkakamali at matoto kang magpatawad. Dahil lahat ng binuo ng Poong Maykapal sa sanlibutan ay may dahilan ang bawat isa kung anu ang tunay nitong ginagampanan sa mundong ibabaw. Ang bawat isa ay kung ang pananalig sa itaas ang siyang maghari at takot sa kanya ang mangingibabaw ay ang katiwasayan ay makakamtan"]
"Jham, bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Alexandrea kay Jhamaicah ng makalapit siya dito. "Si Alexander kasi pinahawak niya yung ipis sa akin." Sumbong nito.
"Hoy! Bakit pinagtripan mo na naman si Jham? Isusumbong kita kay Daddy niyan eh!" Pagbabanta ni Alexandrea sa kakambal.
"Oy! Ale, wala namang sumbungan. Nakakaaliw kasi siyang asarin, lalo pa't namumula ang mukha niya." Ani Alexander sabay kindat niya dito at nginisihan.
"Ahah! So pinagtrip-tripan mo lang pala talaga siya, kuya." Ang nakapamaywang namang ani Alexandra. "Lagot ka kay Dad kapag nalaman niyang pinaiyak mo si Jham." Ang saad muli ni Alexandrea sa kapatid.
Sa magkakapatid ay si Alexandra ang pasaway dahil narin siguro sa ito ang tinuturing nilang bunso ay kaya spoiled ito sa kanila. At si Alexander naman ay may pagkapilyo na hindi na kataka-taka kung saan nito namana ang ugaling iyon. At si Alexandrea ang tahimik sa kanilang tatlo, minsan lang kung magsalita ngunit kung galit ito ay kuhang kuha niya ang ugali ng ama.
"Oo na. Sorry na Jham." Anito ngunit ang nakakagulat na ginawa nito ay hinalikan niya sa pisngi si Jhamaicah sabay takbo nito sa loob ng malaking bahay. Natutulala naman ang tatlong batang babae sa inasta ni Alexander at ng mahimas masan ang mga ito ay biglang tumili ang kambal na babae.
"Ayieehhh!" Panabay na tili ng kambal na kinapula ng mukha ni Jhamaicah. "Oy! Crush ka siguro ni kuya Jham." Ang nangingiting ani Alexandra kay Jham.
"H-hindi kaya, pinagtrip-tripan lang ako nun." Kaila agad nito. Natigil lang ang mga ito ng makita nila si Xander.
"Jham, let's go. Alis na tayo." Tawag ni Xander kay Jham.
"Dad, saan kayo pupunta? Sasama rin kami please." Agad na ungot ni Alexandra kay Xander. Napatingin naman siya sa mukha ng dalawa niyang prensesa na alam niyang hindi siya mananalo sa mga ito kahit sabihin niyang wag sumama ang mga ito sa kanya. Dahil mas mabilis pa ang mga ito kung sumakay sa kotse niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang mapangiti.
"It's a yes." Pabulong ni Alexandra kay Alexandrea.
"Oh siya tara na sa sasakyan," utos niya sa mga ito. "Babe, alis na kami ng mga bata." Paalam ni Xander sa asawang galing sa kusina.
"Sige, mag-iingat kayo. Mga anak wag niyo kulit kulitin ang tito niyo huh!" Paalala nito sa mga anak. Agad naman nanlaki ang mga mata ng mga ito na tila naexcited ng mapagtanto kung saan sila pupunta.
"Yes Mom." Panabay na sagot ng mga ito kay Kate.
AFTER ten years being jailed in Muntinlupa New Bilibid Prison ay makikita mong ibang tao na siya. Malayong-malayo na ito sa dating siya na nakilala ng lahat. Ibang-iba ito sa lalaking halos isumpa nila.
"De Guzman." Biglang tawag ng warden kay JM.
Oo, buhay si JM mula ng isugod ito sa pagamutan ay agad itong nalunasan at maswerting nabuhay. At ng tuluyan itong gumaling ay bukal narin sa loob niyang pumasok sa rihas na bakal. At doon harapin ang mga kasalanan niyang nagawa. Tanging nasa itaas na lang ang nakakaalam kung anong buhay ang naghihintay sa kanya sa hinaharap. Panatag narin niyang iniwan ang anak kay Xander at Kate.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomanceBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander