PRE-FINALE.....
MALAPIT na sina Kate at Xander sa lumang bodega kung saan ang usapan nila para ibigay ang 50 million kapalit ni baby Jham, nang maisipang tawagan ni Xander si JM.
"Nasaan ka JM? Nandito na kaming mag asawa malapit sa bodega." Anito nang sagutin nito ang tawag niya.
"Dumiretso lang kayo Xander at iparking mo ang sasakyan sa kaliwang bahagi ng bodega, maliwanag ba?" Sagot ni JM dito.
"Okay basta tumupad ka sa ating usapan hawak ko ang 50 million." Anito. "Gago ka hindi ko kayang pumatay nang walang kamuwang muwang na bata asahan mo iyan." Sagot naman nito sabay patay ng tawagan.
Matapos tawagan ni Xander si JM ay agad niyang isinuksok sa taenga niya ang earphone niya na hindi basta basta mahahalata. "Sir handa na po ba kayo?" Tanong niya kay general De Luna.
"Yes! iho, wala pa namang kahina hinalang pangyayari sa paligid." Sagot naman nito.
"Sige Sir, basta iwasan niyo magpaputok hanggat maari ayaw kung madamay ang anak ko." Tugon niya dito at si Sean naman ang tinawagan niya. "Bro, nandiyan ka ba?" Anito sa pinsan.
"Oo, bro nandito kami ng grupo gusto mo picturan ko style nila." Pagbibiro pa nito.
"Gago nasa panganib na nga tayo e may paselfie selfie ka pang nalalaman dyan. Ano yun ipopost mo sa FACEBOOK o Instagram." Hindi mapigilang sambit niya sa kaniyang pinsan. At ang tarantado humahagikhik pa talaga sa kabilang linya.
"Babe sina Darren tawagan mo rin kung kumusta sila sa kanilang puwesto." Ani Kate sa asawa habang palinga-linga siya sa paligid. Tinanguan naman ito ni Xander bilang pagtalima at agad nga niyang tinawagan si Darren.
SAMANTALA ang mga kaibigan naman ni JM ay nagsisimula nang mabagot. "Nasaan na ba ang mag asawang iyun at ang tagal." Nayayamot na ani Raph kina Ringgo.
"Ikaw Raph kung sa babae lalo sa kama ang tindi mo sa paghihintay, kaya maghintay ka. Oh! ayan na pala sila, parating na e." Ani Chris.
Nagsipaghanda ang bawat pangkat nang makita at marinig nila ang sasakyan ng mag asawang parating. Daha dahan namang pumagitna ang dalawa kung saan ang usapan nila nina JM.
Hawak sa magkabilang kamay ng lalaki ang dalawang cases na naglalaman ng 50 million pesos cold cash.
"JM nasaan ka? Lumabas kana sa pinagtataguan mo nandito na ako with my 50 million pesos, ilabas mo ang anak ko." Ani Xander.
Samantala ang kanina pang nagtatalong dalawang police ay nakahanda na para sa bilin kanina ni Ron. Paglabas ng mag asawa at ni JM ay magpapaputok sila para nagkaroon ng komusyon para magkaroon nang chance na makuha nila ang 50 million na ransom ng mag asawa.
"Sabayan tayo Kate , Xander sa gitna. Akin ang pera kapalit ng bata at huwag kayong mag alala malusog ang bata na kinuha ko kaya malusog din na isasauli ko." Ani ni JM dito.
Habang ang mga ito ay sabayang pumagitna ay ikinasa naman ng dalawang police polpol ang kanilang mga baril pero aksidenting nakalabit nila ang gatilyo ng kanilang baril.
"Shit! Ano yun?" Ani JM dahil hindi niya inaasahang may magpapaputok. At sa akalang mga kasama iyon nila Xander ay mabilis na umatras si JM habang mahigpit niyang yakap ang batang sa mga bisig niya.
"Dapa!" Sigaw naman ni Xander sa asawa sabay tulak niya dito ng bahagya dahil may nagpaputok ulit at sa sila na ang punterya ito. Mabuti na lang at mabilis ang mga kilos ni Xander kaya mabilis nila itong nailagan.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomansaBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander