Chapter 7

22.4K 553 3
                                    

LUMIPAS ang mga araw na maganda ang samahan nila Xander at Kate. Masaya sila bilang magkasintahan. At ang binata ay gusto na nitong hingin ang kamay ng kasintahan sa magulang nito. Pero mukhang kakailanganin niya ang tulong ng lolo niya. Kaya kakusapin muna niya ito at ipapakila dito si Kate at sa pamilya niya bilang girlfriend niya bago niya hingin ang kamay ng nobya sa magulang nito.

"Babe." Tawag nito kay Kate habang nakahilig ang ulo nito sa kanyang dibdib.

"Hmmm....ano yun mister?" Anito na bahagyang tumingala sa kanya.

"I want you to meet my family on grandpa's birthday." Ani Xander kaya napaupo ng tuwid ang dalaga.

"Are you sure? Hindi ba nakakahiya, baka ayaw nila sa'kin." Anitong tinambol bigla ng kaba ang dibdib. Kaya bahagyang hinawakan ni Xander ang kamay niya at dinala sa kanyang labi at hinalikan ito.

"Trust me babe, magugustuhan ka nila." Saad niya sa nobya. Kaya agad yumakap si Kate sa binata upang pakalmahin ang sariling biglang kinabahan. "Okay! Kailan naman ang birthday ng lolo mo?" Maya ay tanong nito kay Xander.

"Sa saturday babe. At gaganapin ang birthday party niya sa resthouse ng family namin sa Tagaytay." Sagot nito sa nobya.

"Ngayon palang, kinakabahan na ako Xander. Pero, alam ko naman na hindi mo ako pababayaan doon." Anito sa binata na unti-unti ng kumakalma ang sarili dahil sa  kabang naramdaman.

"Yes. I'm always here beside you babe. So, don't cha worry. Kaya wag ka nang kabahan okay. Remeber mahal kita. I love you so much Kate." Anito kay Kate para ipanatag ang loob ng nobya.

"Thank you Xander. I love you too babe." Tugon nitong nakangiti na at yumakap ng mahigpit sa binata. Kaya nakangiti itong hinalikan ni Xander sa ulo.

ARAW ng pagpunta nila Kate ng Tagaytay. Ito rin ang araw na makikilala niya ang angkan ng mga Javier. Ng ipagpaalam siya ng binata sa magulang niya ay agad naman siyang pinayagan mga ito. At pormal na kasing alam ng magulang niyang magnubyo sila ni Xander. Hindi man lang tumutol ang mga ito sa relasyon nila ng binata, bagkos ay natutuwa ang mga ito dahil kung hindi umano dumating ang binata sa buhay niya ay malamang hindi parin ito kikilos ng maayos at magtitino sa kapasawayan.

Ilang oras din ang naging byahe nila bago nila narating ang sinasabing rest house ng pamilya nila Xander sa Tagaytay. Pagdating nila doon ay makikita mo ang mga nakahilirang mga sasakyan sa labas ng malaking antique house. Matapus itabi ni Xander ang sasakyan ay muling nakaramdam ng kaba si Kate na agad napansin ng binata. Kaya ng makababa sila ng sasakyan ay agad hinakawan ni Xander kamay niy at pinagsiklop ito bago siya hinalikan sa noo.

"Trust me babe, magugustuhan ka nila at isa pa nandito naman ako kasama mo. And I'll promise hindi kita iiwan." Anito sa dalaga kaya huminga muna siya ng malalim para hamigin ng sarili bago ito ngumiti sa binata.

"Are you okay?" May pag-aalalang tanong niya sa nobya. Agad naman tumango ang dalaga. "Are you sure? Kung hindi mo kaya babe___

"Xander. I'm fine. May tiwala ako sayo." Putol niya sa mga sasabihin ng nobyo. Tiningnan muna siya nito bago ngumiti at pinisil ang kamay niya. "Okay. So, shall way?" Ani Xander. Agad siyang tumango bilang sagot. Kaya hawak kamay silang pumasok sa malaking bahay.

Ng makapasok sila sa loob ay nakarandam naman ng pagkailang si Kate. Dahil ang lahat na atah ng mata ay nakatuon sa kanila ni Xander kaya biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa binata. Agad naman siyang binalingan ni Xander at sa pamamagitan ng mga mata nito ay ipanaparating niya sa kanyang nasa tabi lang niya ang nobyo kaya wag siyang kabahan. Kaya agad siyang huminga sabay ngiti sa nobyo. At habang naglalakad sila ay agad niyang nakilala sa mga taong naroon ang pinsan ng nobyo na si Sean at may kasama itong magandang babae.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon