Chapter 17

16.2K 424 6
                                    

MAKIKITA mo sa mukha ng mag-asawang Xander at Kate ang saya sa piling ng mga munting anghel nila. Ang anak nilang lalaki ay isinunod nila ang pangalan nito kay Xander na Alexander at ang dalawang prinsesa nila ay pinangalanan nilang Alexandrea Kate at Andrea Kate. Ang anak naman ni Mary Grace ay pingalan nila itong Jhamaicah.

"Balang araw makakasama mo rin ang tunay mong ina baby, pero sa ngayon ako muna ang mommy mo habang wala pa ang tunay mong ina." Ani Kate kay baby Jhamaicah sabay halik nito sa munting paslit na payapang natutulog.

"Mukhang hindi ko pa siya narinig na umiyak man lang." Boses ni Xander na nakatayo malapit sa may pinto. Napalingon naman sa kanya ang asawa. "Siguro, nararamdaman niyang hindi niya mga magulang ang kasama niya. Kaya subrang bait niya." Sagot ni Kate na puno ng awa ang nararamdaman para sa bata.

"Don't worry. Magiging maayos ang buhay niya sa atin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maibigay lang sa kanilang apat ang lahat ng pangangailangan nila." Anito sa asawa

"Thank you, hubby. At nandito lang ako para tulungan ka." Sagot nito sabay yapos sa katawan ng asawa pagkalapit niya dito. Agad namang gumanti ng yakap dito si Xander at nasa ganun silang tagpo ng umiyak ang isang kinatawa nila.

"Alam mo, itong bunso sa kanila ang iyakin. At ang nakakatanda sa kanila e hindi ko maipaliwanag ang ugali. Mabuti pa itong dalawa dahil parehong tahimik lang." Puna ni Kate sa mga anak na nilapitan ang umiyak na anak sabay karga niya dito.

Napailing naman si Xander na lumapit sa asawa habag may munting ngiti sa kanyang mga labi. "Hey! Baby. Nagseselos atah sa paglalambing ni mommy." Anito na hinawakan ang kamay ng anak. Parang kisap mata naman itong ngumiti na kinatawa ni Xander.

SAMANTALA matapus ayusin ni Mary Grace ang mga papers niya para magtungo ng ibayong dagat ay agad itong naaprobahan. At sa araw ng binyag ng mga anak nila Xander at Kate ay siya ring pagbinyag sa kanyang anak. Kaya pinanatag na niya ang kanyang kalooban para sa kanyang anak na lumisan ng Pilipinas.

"May I have all your attention all passenger bound to Dubai, United Arab Emerates please proceed to the gate one." Tawag ng flight attendant sa NAIA. Kaya ang mga sasakay ng eroplano patungong Dubai ay nagsitayuan na ang mga ito at isa na doon si Mary Grace. Ng mabigyan ito ng working visa to work emerates ay agad rin siyang pinalipad ng agency na humawak sa kanya. Ayun sa agency niya ay isang british national ang magiging sponsor niya pagdating ng Dubai. Kaya excited at kaba ang nararamdaman niya habang papasakay siya ng eroplano.

"Panginoon ko kayo na po ang bahala sa anak ko at sa pamilyang kumupkop sa kanya, gabayan niyo po lagi sila. Kayo na rin po ang bahala sa'kin sa aking paglalakbay." Taimtim na dalangin nito pagkaupo niya sa loob ng eroplano.

SA kabilang banda, magkakaharap sina JM at ang mga kaibigan ng basagin ni Chris ang paksa tungkol sa plano nila. "Pare, ano ng plano mo ngayon sa makalawa na ang binyag ng triplets ni Javier." Ani Chris kay JM.

"Sabi ng mga magulang ko bongga daw iyan mga tol." Aniya naman ng kaibigan niyang si Ron.

"Gago, of course mayaman ang mga Javier at Reymundo. Kaya ano pa ba ang expected mo diyan eh di bongga, mag-isip ka nga!" Nakangisi namang pambabara ng isa kay Ron.

"Magsitahimik nga kayo para kayong mga inahing manok putak ng putak o baka naglilihi na ang mga babae ninyo." Kunway galit namang saway ni JM sa mga ito na siyang dahilan para batukan nila ito pero natatawang umilag si JM.

Makaraan ang ilang sandali pa ay nagseryoso na silang muli.

"Mga pare, dahil kayo ang nakakalabas alamin ninyo kung kukuha sila ng entertainers at clowns dahil mas makalapit tayo sa mga ito pag may clowns para makapagsuot din tayo nun." Ani JM sa mga ito.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon