MASAYA ang lahat na nag-uusap ng makita ni Kate ang lalaking papasok sa bahay nila Xander. At bago pa man siya makapagsalita ay agad na tumayo ang nubyo na madilim ang mukhang hinarap ang bagong dating.
"What the hell are you doing here?" Galit na sigaw ni Xander sa bagong dating na lalaki. Bigla naman nahintakutan si Kate sa inasta ng nubyo.
"A-anak nandito ako para...
"Huwag na huwag mo akong tatawaging anak. Dahil simula nang iniwan mo kami nina Mommy at kinalimutan mong may tatlo kang anak ay kinalimutan ko na rin kayo," puno ng galit na anito sa ama. "At matapos ang maraming taon na paghihirap ni Mommy ay magpapakita ka ngayon. Oh! Don't worry nanantili namang matatag si mommy e, nakaya nga niya kaming itaguyod e. Kaya anong reason mo ngayon at pumunta ka dito?" Puno ng panunumbat nitong saad sa ama.
"X-xander" Tawag ni Kate sa binata. Pero animoy wala itong narinig.
"Alam mo bang ng dahil sa'yo naging matatag ako. At ng dahil sa'yo nag-aral ako ng lihim ng martial arts para pang self deffense ko, nagawa ko yun dahil alam kung wala akong amang magtatanggol sa akin kung sakali," sabay turo niya sa ama. "Kaya masisi mo ba ako kung bakit galit na galit ako sa'yo. Oh! hindi lang pala galit kundi sukdulan hanggang impeyerno." Anito na kung pwede lang siguro niyang suntukin ang ama ay ginawa na niya.
"Alam mo yung pakiramdam na makita kung umiiyak si Mommy ay para dinudurog ang puso ko. At muntik pa akong makulong noon dahil sa bastardo mong anak, pero nasaan ka? Wala ka e, dahil wala kang pakialam sa akin, sa amin. At ngayon dahil sa kawalanghiyaan ng bastardo mong anak ay muntik ng malagay sa panganib ang mag ina ko. Ngayon babalik ka na parang walang nangyari? Such a foolishness!" Hinihingal nito sabi sa amang tahimik lang na nakikinig sa mga panunumbat niya.
Walang nakahuma sa kanilang lahat lalo na ang mga magulang ng dalaga sa kauna unahang pagkakataon ay nakita nila kung paano magalit ang nobyo nang anak nila.
"Xander, enough. Ito uminum ka muna." Ani Kate na tumalihis kanina para makakuha ng tubig.
Inisang lagok naman ni Xander ang tubig na ibinigay ng nobya niya na parang bumuhos sa kanyang pagkatao at saglit na kumalma. Hinarap niya ang mga magulang ng dalaga at humingi nang paumanhin.
"Tita, tito pasensiya na po kayo sa nasaksihan niyo ngayon. My family is a mess. Pero, hayaan niyo po without the blessing of that man ay papakasalan ko parin po ang anak niyo. Sorry po sa ngayon pero maiiwan ko muna kayo dito." Anitong hindi na hinintay ang maging sagot ng pamilya ng nobya. Dahil sa mga hinanakit ni Xander sa ama nito ay nagpasyang hayaan muna ito ni Kate hanggang humupa ang galit nitong nararamdaman.
Agad namang nilapitan ni Maylin ang kaniyang asawa at dinamayan. "Jaime, hayaan mo muna siya. Pasaan ba at mauunawaan ka rin ng anak natin. Kilala ko siya, galit lang yan ngayon pero lilipas din iyun. Kaya saka na lang natin ipaalam sa kanya ang buong katutuhanan pag lumamig na ang kanyang ulo ha!" Anito kay Jaime sabay haplos niya sa likod nito.
"Tama si balaeng Maylin balae, unawain muna natin ang anak mo." anang ama ni Kate.
"Tama," segunda ng ina ni Kate na kinatingin ng ama ni Xander sa mag-asawang Reymundo na nangungusap ang mga mata. "galit si Xander sa ngayon kaya hayaan mo muna. Dahil hindi mo iyan makakausap ng maayos. Pero pasasaan ba at huhupa din ang galit niya." Paliwanag ng ina ni Kate. Kaya sa narinig na tinuran ng mga itong pagbibigay supurta sa kanya ay nagkaroon ng lakas ng loob si Jaime na wag sukuan ang anak.
"Salamat, hindi naman ako galit sa anak ko, dahil may kasalanan din ako. At tama kayo, ngayong nailabas niya ang galit niya sa dibdib ay baka makakausap ko na siya sa mga susunod na mga araw." Tugon naman ng ama ni Xander.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomanceBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander