Chapter 18

15.3K 429 2
                                    

NAGULANTANG ang mga tao sa mansyon ng mga Javier dahil sa bagay na ibinato mula sa labas ng mansyon. Agad nagpanik ang mga taong imbitado sa tahanan ng mga Javier. Kaya mabilis nilang pinakalat ang mga security sa paligid habang inaalam nila ang bagay na ibinato sa gitna ng kasiyahan ng mga bisita. Nakahinga sila ng maluwag ng makita ng mga security personnel na nandoon ang bagay na binalot sa papel ay isang bato lang pala.

"Boss ito lang po nakita naming kasama ng batong itinapon dito." Anang security personnel na tumingin sa batong itinapon sa mansyon ng mga Javier. Agad namag tiningnan ito ni Xander. Kaya agad na binuklat ng lalaki ang papel at pinabasa kay Xander

'MALIGAYANG PAGPAPABINYAG JAVIER'

Ito ang nakasulat sa papel na ibalot sa batong ibinato sa mansyon ng mga Javier. Agad na nag-umigting ang mga panga ni Xander pagkabasa niya sa sulat. Ayaw man niyang mambintang, pero iisa lamang ang alam niyang may gawa noon si JM. Sa naisip ay agad niyang pinuntahan ang mga anak. Samantalang si Kate ay kinausap ang mga bisita na huwag mabahala kahit sa totoo lang ay natatakot na din siya.

"Yaya! Yaya!"

Sunod-sunod na tawag ni Xander sa mga yaya ng mga bata sa apat na sulok ng mansyon. Agad namang lumabas ang isang yaya mula sa kuwarto ng mga bata.

"Yaya nasaan ang mga bata?" Mabalasik nitong tanong.

"Hindi ko po alam Sir. Dahil si Alexander lang po ang nandito sa loob dahil nakatulog kaya ipinapasok dito ni Ma'am." Magalang naman na sagot ng yaya sa tanong niya. Dahil sa narinig ni Xander ay patakbo siyang pumanaog at hinanap ang yaya ng mga anak niya na labis na ipinagtataka ng mga ito.

"I will kill you JM kapag meron masamang nangyari sa mga anak ko." Anito sa kanyang isipan.


"Xander. What is going on?" Kinakabahang tanong ni Kate sa asawa. Ngunit sa halip na sumagot ito ay nagtanong rin siya sa asawa. "Nasaan ang mga bata babe?" Tanong nitong hindi mabasa ni Kate kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

"I'll explain later. But right now gusto kung makita ang bata." Anito kay Kate sabay hilamos ng mukga. Pero, bago pa man ito makasagot ay humahangos ng lumapit sa kanila ang tatlong yaya ng mga batang babae.

"Sir Xander, Maam Kate si_ si _si___" hindi matapos tapos na saad ng isang yaya sa kanila. "Will you speak clearly or else you will regret!" Mabalasik na sagot nito. At pati ang mga batang walang kamuwang muwang ay nagising din. Dahil sa lakas ng boses ni Xander ay nagsilapitan ang mga magulgang nila pati na rin ang mga kaibigan nila.

"Bro, anong problema?" Puno ng pagtatakang tanong ng kaibigan niyang si Qien. Sa halip na sagutin niya ito ay binalingan niya muli ang isa sa mga yaya ng mga bata.

"Sino sa mga bata ang nawawala at nasaan siya?" Ma-awturidad nitong tanong. Nanginginig namang sumagot ang yaya ng nawawalang bata. "I'm sorry Sir, pero ang totoo po niyan ay nawawala po si baby Jham. At hindi ko alam kung saan dinala nung mga clown dahil sila lang po ang alam kung kumuha." Ang nanginginig naman nitong sagot.

"God. Damn it. Paano nangyari yun, kaya nga kinuha ko kayo para bantayan ang mga anak ko." Galit nitong saad sa yaya na namumutla na sa takot.

Dahil naman sa narinig ni Kate ay muntik na siyang mahimatay. Takot-takot siyang baka may gawing masama ang mga ito kay baby Jham.

"Yaya ano ba kasi ang nangyari at paano nawawala si baby Jham?" Malumanay namang tanong ni Maylin.

"Kanina po kasi madam habang karga karga namin ang mga bata ay may mga clowns pong lumapit sa amin. At ang sabi niya ang cute ni baby Jham. Kaya gusto daw niya itong kargahin. Ang akala ko sandali lang at ibabalik rin niya sa akin ang bata. Kaya pumayag ako, pero nagkamali po pala ako. Pagkatapus po noon ay wala na po ako natatandaan sa sumunod na nangyari dahil may ipinaamoy sa akin ang clown kaya po ako nawalan ng malay." Nakayukong salaysay nito. Walang nangahas na nagsalita pero muling nagsalita si Xander.

"Pa, sino po ang driver ng entertainments service na kinuha ninyo?" Anito sa biyanan. "Si mang Poldo. Bakit?" Sagot naman nito.

"I want to talk to him. Gusto kung malaman kung sino ang nasa likod ng pagkawala ni baby Jham. At wag lang silang magkakamaling saktan ang bata dahil kahit si Satanas ay hindi sila tatanggapin." Galit nitong aniya.

"Bro, hindi kaya si JM ang nasa likod ng pagkawala ni baby Jham?" Napapaisip na ani Sean. "Pweding mangyari ang iniisip mo, lalo pa at nakatakas siya sa mga kapolisan." Saad naman ni Oliver.

"Babe, dalhin mo ang mga bata sa silid nila. Don't worry at gagawin ko ang lahat maibalik lang dito si baby Jham." Ani Xander kay Kate. Agad naman itong inalalayan ng mga kapatid ni Xander at sumunod sa kanila ang mga yaya ng mga bata.

SAMANTALA agad na bumalik sina JM sa rest house na tinutuluyan nila kasama ang tinangay nilang paslit. At buhat-buhat ni JM ang bata nang bumaba sila ng sasakyan.

"Tol anong natin ngayon?" Tanung agad ni Ringgo. "Ipaparamdam natin sa kanila kung paano mawalan ng mahal sa buhay at ang batang ito ang daan noon." Aniya naman ni JM.

"Ang tanong ngayon, paano natin bubuhayin ang bata eh wala tayong dede?" Ang wala sa isip namanng tanong ni Ron sa kanila. Kayat babatukan sana ito ni Chris ngunit mabilis namang nakapagtago sa likod ni JM.

Tawang tawa naman ang iba sa kanila dahil kahit kailan ang dalawa ay laging nagbabarahan at nagbabatukan.

"Gago, of course wala kang dede na ipambubuhay diyan dahil pati ikaw ay nabuhay sa bottle feed kaya mag isip ka nga may gatas sa pharmacy o grocery as in G-A-T-A-S." May diin pa nitong aniya na kinakamot na naman ni Ron ng ulo.

"Tama na iyan dahil kailangan nga nating makabili ng bottle feed at gatas. Bukas na natin pag-iisipan kung bubuhayin ba natin ito o ipapatubos sa tarantadong si Javier ang bata?" Saad ni ni JM kanila.

"Mga tol, mayaman ang gagong yun, kaya ipatubos na lang natin sa kanya. Pero sa halip na patayin natin ang bata ay iwan na lang natin sa bahay ampunan. At kapag nagkataon ay puputi muna ang buhok ni Xander bago niya makikita ang anak niya." Suhestiyun naman sa kanila ni Renngo.

"Tama si Ringgo, dahil bakit kailangan pa nating idamay ang bata? Kung wala rin naman tayong balak ibalik ang bata sa kanila ay sa bahay ampunan na lang natin ewanan kung makukuha na natin ang pera." Ani Ralph.

"Ahem! pareng Ralph kailan ka pa nagkaroon ng pusong mamon? Don't tell me na nababahag na ang buntot at sungay mo ngayon?" Ani Ron sa kaharap.

"Tarantado ka alam kung halang ang kaluluwa ko pero ang idamay ang bata ay mas nanaisin ko pang makulong at magkaroon ng parola someday, iyan ang tandaan mo." Sagot nito at dumiretso sa kuwartong inu ukupahan nito.

Nagtataka naman silang napasunod ng tingin dito saka sila nagkatinginan sa isa't isa. "Problema noon?" Saad ni JM pero kibit balikat lamang ang nakuha niyang sagot sa mga ito.

KINABUKASAN buong tropa nina Xander at Sean ang nagtungo sa intertainment company ng mga Reymundo para kausapin ang isa sa mga company driver ng mga ito. At sakto namang palabas ang truck na minamaneho nito pero agad na bumaba sina Sean at pinahinto nila ang truck.

"Magandang umaga po mang Poldo puwede po ba namin kayong makausap?" Magalang na tanong ni Rainier sa lalaki.

"Pero may service po ang truck kaya pasensiya na po kayo." Sagot naman nito at akmang iaatras na ang truck niya pero pinigilan itong muli ni Aljhon.

"Mang Poldo huwag kayong mag alala kaya po naming bayaran o ibalik sa kumpanya ang kikitain ninyo today pati damages basta makausap lamang po namin kayo." Ani Aljhon.

"Sa ibang araw na lamang po baka matanggal pa po ako sa trabaho pag nagkataon, sige mauna na po ako." Saad nitong tila umiiwas talaga sa kanila.

"Talagang mawawalan ka ng trabaho Mang Poldo at manganganib ang pamilya mo kung ayaw mong makipag usap sa amin ngayon." May diin na ani Xander dito na ikinaputla ng driver.

"S-sir X-xander???" Gulat at takot ang makikita mo sa mukha ni Mang Poldo nang makita niya ang madilim na mukha ni Xander.

TBC.

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon