Chapter 16

17.4K 460 4
                                    

ISANG linggo ding namalagi si Kate sa hospital matapos manganak. At sa loob ng isang linggo na iyun ay hindi nabakante ang kanilang private room. Kung hindi ang mga kaibigan ni Xander ang naroon ay mga kaibigan naman ng pinsan niyang si Sean ang naroon maging ang pamilya nila. At laging puno ng kantiyawan at asaran ang buong kuwarto marahil ay naririnig na sa kabilang kuwarto ng hospital ang kanilang tawanan, lalo kung may magpapaalala sa hitsura ni Xander nang itinakbo niya si Kate sa hospital. Imagine isang Xander Javier nakasando at naka boxer short lamang na sumugud ng hospital. Pero, isa lang ang laging sagot niya sa mga ito.

"Ano ngayon kung nakasando at boxer short lang siyang sumugud ng hospital. It's a fucking emergency dahil manganganak na ang asawa niya and besides it's not his faults if he was born handsome." Na siyang dahilan ng maugong nilang tawanan.

"Whoahhh! Hanep talaga itong mga founder ng clan natin, mantakin niyo isahan lang kung magtanim ng binhi pero nakadalawa at nakatatlo agad." Kantyaw ni Darren sa mga ito na siyang batok naman ni Raven sa kanya.

"Gago, kantyawan mo pa sila. Baka kung dumating ang araw e kahit isa wala ka dahil baog ka pala." Supalpal naman dito ni Raven. "Fuck! I'm 100% healthy asshole. Kaya hindi ako baog, itaga mo yan sa pwet ng kabayo." Sagot dito ni Darren.

SAMANTALA halos magkasabay lang na nanganak sina Mary Grace at Kate sa iisang hospital. At dahil kilala ang pamilya ng mga Javier ay madali lang  umabot kay Mary Grace na nasa iisang hospital sila nanganak ng manugang ni Jaimie. Ang taong tanging nagpakita ng kabutihan sa kanila habang naninilbihan sila sa bahay nila Angela. Kaya ng mabalitaan niyang lalabas na ang mga ito ay sinamantala niya ang pagkakataon.

Agad niyang inayos ang kaniyang mga gamit, ipinasuot ang magandang damit sa anak niya na binili ng mga kaibigan niya. Ibinalot niya dito ang lampin na may burdang JM De Guzman kalakip ang ginawa niyang sulat. Wala siyang sinayang na sandali at tumakas siya sa hospital. Agad siyang pumara ng taxi patungo sa bahay ng mga Javier kung saan pansamantalang nakatira ang mag asawang Kate at Xander.

Ng marating niya ang tahanang sadya ay bahagya siyang nagtago sa malaking puno na malapit sa main gate ng mansion ng mga Javier. Naghintay siya hanggang sa dumating ang sasakyan ng mag asawang galing hospital. Kaya ng matanaw niya ang paparating na sasakyan ay pasimple siyang tumungo sa gate at iniwan doon ang kanyang sanggol.

"I'm sorry anak pero ito lamang ang alam kung paraan para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Ayaw kong matulad ka sa akin na mababa ang pinag aralan at ang iyong ama ewan ko kung saang lupalop siya ngayon. Patawad anak sana balang araw ay mapapatawad mo ako. Bye baby. Mahal na mahal kita." Anito sa mahimbing na natutulog na anak bago siya umalis.


PAUWI na sina Xander sakay ng sasakyan niya kasama ang mga biyanan at asawa galing hospital ng biglang maagaw ang atensyon nila ng balita sa radio.

"Magandang umaga po sa ating lahat, pansamantala nating pinuputol ang ating programa upang mabigyang daan ang nagbabagang balita." Anang announcer sa radio station. "Kaugnay po ng balitang nangyari kanina hinggil sa pagkakapaslang ng ilang kapolisan natin ay aalamin natin yan kay Kathryn Dimagiba." Muling anang announcer.

"Kathryn, ano ang exactly na nangyari dyan sa pananambang na kinasawi ng ilan nating kapolisa?" Tanong ng announcer.

"Yes. Narito po tayo ngayon para i-ulat ang nangyaring pananambang na siyang kinasawi ng tatlo nating kapolisan. Ayun sa report na nakuha natin ay escort di umano ang mga police na nasawi ng isang preso na ihahatid sana sa bilibid prison ng bigla silang tambangan ng hindi pa kilalang mga kalalakihan. Tangay ng mga ito ang ihahatid sana ng mga kapolisan nating priso na nagngangalang si JM De Guzman. Kasalukuyan pong inaalam ngayon ng ating mga kapolisan kung sino ang nasa likod ng pagpapatakas kay JM De Guzman at kung ano ang kanilang motibo. Sa mga karagdagang balita hinggil sa pangyayaring ito ay antabayanan po natin sa susunod na kaganapan___

BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon