NAPABUNTONG hininga si JM ng makita niyang dumating ang mga taong ipinatawag niya. 'This is it. You need to do it JM.' Anito sa isip.
"Oh! boss anu ba ang ipapatrabaho mo sa'min?" Agad na ani Benjie kay JM ng magkaharap sila nito.
"Ito, gusto kung makuha niyo siya sa lalong madaling panahon. At kayo na ang bahala sa lugar na pagdadalhan niyo sa kanya. Itawag niyo nalang sa'kin kung saan ang lugar. Nandyan narin ang information tungkol sa kanya at ayaw ko ng trabahong may sabit, gusto kung malinis ang pagkakagawa niyo." Agad na paliwanag ni JM kay Benjie.
"Don't worry boss, hindi pa naman kami sumasabit sa lahat ng tinrabaho namin." Paniguradong ani Benjie kay JM.
"Okey! that's good. Ito ang paunanang bayad ko." Sabay abot nito ng puting subre kay Benjie.
"Thank you boss," nakangiting malapad na ani Benjie. Isang tango lang naman ang tinugon niya dito. "so, pano alis na kami boss." Anang lalaki sabay tayo at nakipagkamay kay JM.
BALIK university na sila Kate matapus nila maggaling ng Tagaytay. At habang papunta siya ng tambayan ng nila Xander kung saan nandoon ang nubyo ay bigla niyang naalaalang meron pala siyang nakalimutang bilhin sa bookstores. Kaya nagpasya siyang bilhin nalang ito sa bookstore na malapit lang sa labasan ng university nila. At dahil malapit lang ito ay pinasya na lang niyang lakarin. Kaya wala siyang kamalay-malay sa panganib na nakaamba sa kanya.
Habang naglalakad si Kate ay biglang himinto ang isang van sa tapat niya at bumaba doon ang hindi kilalang lalaki. Agad tinakpan ng lalaki ang ilong ng dalaga na siyang dahilan upang mawalan ng ito ng malay.
Nagkataon namang may dalawang estudyante na nagseselfie na accidentaly ay napindot ng isa ang video insted of camera. Kaya sa hindi sinasadya ay nakunan nila ang van at kung paanu tinangay ng mga ito si Kate.
"Oh! My God." Takot na anang mga ito na hindi alam ang gagawin.
Dahil sa nasaksihan ng dalawang estudyante ay dali-dali ang mga itong nagtungo sa loob ng university ng mahimasmasan sila. Lakad takbo nilang tinahak ang daan patungo sa tambayan nila Xander.
"X-xander....Xander?" Sunod-sunod na tawag ng dalawang dalagang humahangos kay Xander. Patakbo silang lumapit sa pinto kung saan naroon ang QUADRO-X club house at ng tuluyan silang makalapit sa pinto ay agad nilang kinalampag ang pinto. Si Qien ang unang nakarinig ng kumakalampag ng pinto habang tinatawag ang pangalan ni Xander. Kay agad niyang binuksan ang pinto ng club house.
"Where is Xander? We need to talk to him, it's an emergency about Kate." Anang dalawang hinihingal. At ng marinig naman ni Xander ang pangalan ng nobya ay agad siyang lumapit sa mga ito.
"What is going on here?" Takang tanong ni Xander na seryoso ang mukha.
"Xander, please watch this bilisan mo, accidentaly na nakunan namin ng video kanina." Sabay abot nito ng phone niyang S4 kay Xander. At ng makita ni Xander kung paano tinangay ng mga ito ang nobya ay agad niyang nasuntok ang pader na malapit sa kinatatayuan niya.
"Ito naman yung plate number ng sasakyan na tumangay sa kanya." Sabay abot naman ng isa ng papel ng pinagsulatan nito ng plate number ng sasakyang kumidnap kay Kate.
"Girls, thank you so much sa inyo huh!" Ani Darren sa dalawang babae. Ito na ang nagpasalamat sa mga ito. Dahil alam niyang hindi makakausap ng maayos ang kaibigan dahil galit ang nangingibabaw dito. At walang nakakapagkalma dito maliban kay Kate.
SAMANTALA nagising naman si Kate makalipas ang ilang minuto ng mawalan ito ng ulirat sanhi ng ipinamoy ng mga tumangay sa kaniya. At ng bahagya siyang gumalaw ay doon niya napagtantong nakagapus pala ang mga kamay niya niya at paa. At dahil mag-isa lang siya naturang kwarto kung saan siya kinulong ng mga lalaking hindi kilala ay pilit niyang inabot ang secret phone niyang nakaipit sa kanyang medyas. Mabuti nalang at nakajeans siya kaya hindi ito halata. Ng maabot niya ito ay agad niyang binuksan at hindi niya alam kung kaninung number ang natawagan niya basta pagkapindot niya ng call ay agad niya itong binalik sa pagkakaipit sa kanyang medyas ng marinig nito ang mga yapak na paparating.
BINABASA MO ANG
BADBOY MET THE SILLY GIRL(Completed)
RomanceBadboy Met The Silly Girl (QUADRO-X) ALEXANDER JAVIER I a.k.a Xander