HD [8]

30 10 1
                                    

Chapter 8: I'm Okay

D.O's POV

"Kailan kaya siya gigising?" Tanong ni Chanyeol.

"Wag kang O.A, Chanyeol. Nakatulog lang 'yan." Sabi ni Kai.

Inabangan nalang namin ang gising ni Roxette. Nagluto ako ng Spaghetti para paggising niya, kakain na agad siya. Masarap 'yun. Ako pa! Gwapo ko kayang Chef ng Exodus.

Lumabas muna ako at nagpahangin. Ano kayang nangyari kay Roxette kagabi? Bakit ang dami niyang pasa at may sugat pa siya sa kamay. Grabe naman 'to, nakipagbugbugan. Ganun ba talaga siya. Haha amazona.

"Hoy, abnormal 'tong D.O na 'to. Tumatawa magisa." Nagulat ako ng magsalita ang panda.

"Ginagawa mo dyan?"

"Nagmumuni-muni.." Sabi ko. Umupo siya sa tabi ko at kung ano ano ang pinagsasasabi. Kesyo daw ang gwapo niya, pero mas gwapo ako. Ang dami niya daw fangirls. Pumasok kasi 'to eh. Siguro nag cutting. Ang abno rin niya eh.

"Ano niluto mo?" Tanong niya sa 'kin.

"Spaghetti, Barbeque." Sabi ko. Kay Roxette lang ang spaghetti at sakanila naman ay barbeque.

"Yes naman! Tara na, kain na tayo." Sabi niya sabay hatak sa 'kin pabalik ng hospital. Nasa kwarto kasi ni Roxette 'yung niluto ko.

- - -

Pagkapasok namin ni Tao sa Room ni Roxette dito sa Hospital, nadatnan namin na kumakain na sila.

"Hoy mga hinayupak! Hindi niyo man lang tinirhan ang pinakagwapo dito."

"Ehem.. Excuse me, tinirhan nila ako oh." Sabat naman ni Kai. Wahahah!

-____- Tao

Dark Roxette's POV

Aish, ang ingay! Kitang natutulog pa ako dito sa malamig at malambot na kama sa hospital eh. Bakit ba nandito lahat ng mga ugok na 'to. Para namang mga timang hindi pumasok.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at lahat sila ay napatingin sa 'kin.

"WAAAH! Gising na si Bespren!" Sigaw ni Chanyeol sabay hug sa 'kin.

"ARAY!" Sigaw ko. Pa 'no ba naman, naipit niya 'yung paa at kamay ko. Tanga kasi nung paa at kamay ko. Parehong may sugat.

"Sorry hahaha!" Sabi niya sabay hug ulit. Psh. Clingy.

Tiningnan ko silang lahat at lahat sila ay masayang makita ako. Teka, akala ko ba ginagamit lang nila ako.

"Sorry sa mga sinabi ni Kai. Don't worry hindi totoo lahat ng iyon." Sabi sa 'kin ni Suho.

So lahat pala ng katangahan na ginawa ko kagabi ay puro kaengotan lang. Lumayas ako dahil lang sa maling akala ko. Lumuwag ng konti ang pakiramdam ko. Hindi pala totoo na ginagamit nila ako. Hindi pala totoo.. Pero bakit nasabi ni Kai 'yun? Dahil ba natapunan ko siya nung coffee at parang nao-out of place na siya sa exodus?

"Guys, can I talk to Roxette? Alone." Sabi ni Kai bigla. Nagulat ako. Shet bakit kinabahan ako.

"Hoy, Kai! Wag kang gagawa ng kaengotan ah." Pahabol na sabi ni Chanyeol. Tumango lang si Kai at sinarhan na ang pinto. Humarap siya at nagtama ang tingin namin sa isa't isa. Sobrang awkward ng situasyon namin ngayon.

Sobrang ingay na katahimikan ang bumalot sa 'min sa loob ng Kwarto hanggang sa binasag ko ang katahimikan.

"Kats, sorry." Sabi ko. Napaharap siya sa 'kin. Bakit hindi siya nagalit? Natinawag ko siyang Kats.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon