Chapter 15: Bestfriend slash Birthday Party
Dark Roxette's POV
Sobrang laki ng eyebags ko ngayon dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ano sinabi niya sa 'kin? Nage-echo padin sa utak ko lahat ng sinabi niya. Ay mali, tatlong words lang pala 'yung sinabi niya sa 'kin pero bakit ganun? Hindi mawala sa utak ko ang mga words na 'yun?!
"Ang ganda mo,"
"Ang ganda mo,"
"Ang ganda mo,"
Argh!!! Stop it braaain! Hindi ko alam pero namula nanaman ako ng hindi oras. Pumunta ako ng CR muna at nag-hilamos. Tiningnan ko muna sarili ko sa salamin at naghilamos ulit.
"Ano ka ba naman, Roxette. Hindi ka ba matutuwa? Sinabihan ka niya ng maganda!"
Nababaliw na ako!!!
Ginulo ko buhok ko at muling tumingin sa salamin pero may nakita na akong taong nakangisi sa 'kin ng nakakaloko at nakatingin sa mga mata ko habang gulo-gulo ang buhok. Sht.
"AHHHHbdnxjxkka!!"
"Shh.. Welcome," sabi niya sa tenga ko at inalis na ang kamay niya sa bibig ko.
Parang feeling ko lahat ng dugo ko nasa mukha ko na sa sobrang nakakahiya. Humarap ako sakanya at tiningnan siya ng masama pero ngumiti lang siya at kinindatan ako. Lalo akong namula dahil sa galit. Nangiinis nanaman 'to eh!
"I hate you!" Sigaw ko sakanya sabay walk out.
"I love you too!" Pangaasar nanaman niya at sinaraduhan ko na siya ng pinto. Pagkaharap ko, nagpapapadyak na ako dun at hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko at pinagpapapalo ang kama.
"Huy, Roxette, ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Lynn.
Napatigil naman ako sa kakapalo ng kama at tumingin kay Lynn. Tumango nalang ako at tumayo na para tingnan kung wala na 'yung kupal. Hindi! Nakakainis siya!
Buti wala na siya..
Naligo na ako at nagbihis na. May klase pa kami eh. Mamaya pa 'yung birthday party.
"Tara na?"
• • •
Pumasok na kami ng classroom at umupo na ako. Nakita kong ngumisi pa si Pusa sa 'kin pero nag-roll eyes lang ako sakanya. Nakipagkwentuhan muna ako kay Sophie habang wala pa 'yung Prof. Kung ano ano sinasabi nito. Kaya nawawalan ako ng gana eh, bukambibig ay si Suho at Pusa.
Yung kay Suho na kwento love niya daw. Yung kay Pusa naman tinatanong niya kung not in good terms ba daw kami.
"Uy ano nga, tell me!" Kalog-kalog niya sa 'kin.
"Wag nahihilo ako.." Sabi ko sakanya at tumigil naman siya. Nung tiningnan ko si Sophie naging 'O' 'yung bunganga niya at pinagpapapalo naman ako.
"Omg, buntis ka?"
*pak
"Gago,"
"Is it too late now to say sorry?!"
"What do you mean?" Tanong ko sakanya at balak niya pa sanang kumanta din kaso dumating na 'yung Prof. Bumulong pa siya ng isang word saka nagbalikan ang mga kaklase namin sa sari-sarili nilang upuan.
"Attention to all basketball and volleyball players, august 6 you'll be going outside the school for 1 week. Training for Basketball game. Volleyball players will be assisting the coach for training the basketball boys. Please stand up, volleyball girls and basketball boys.."
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
FanfictionAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...