HD [18]

36 10 1
                                    

Chapter 18: Training (Day 2)

Dark Roxette's POV

August 04, 2015

"Roxette! Gising na, maaga tayong magt-training!" Sigaw ni Reigna sa 'kin. Bumangon na ako ng nakasimangot dahil hindi naman kami 'yung lalaban pero magt-training. Jusko naman, bakit kasi sinama pa kami dito? Edi sana masaya ako sa school ngayon. Pero masaya lang ako sa school dahil sa pagkain hindi sa lessons. Kasi dito ang konti lang ng nakakain ko dahil lagi akong late nagigising edi wala nang pagkain.

Pumunta na ako sa CR at nag-hilamos na. Lumabas ako at kinuha ang aking uniform na pang training daw at naligo na. Pagkatapos kong maligo, syempre sinuot ko na 'yung uniform. Lumabas na ako ng CR at tinuyo na ang buhok ko. Malapit lapit na din mag time kaya binilisan ko na mag ayos. Lalabas na sana ako ng makita ko ang jacket ni Pusa na nakasabit sa may pinto. Kinuha ko 'yon at tumakbo na palabas dahil 5 minutes nalang time na.

"Sa'n ka galing?"

"Ay palakang kinatay!" Napatigil ako ng saglit dahil biglang may humila sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil late na nga ako.

"Wala, late na ako kaya yun. Di ako umalis. Siya nga pala, jacket mo." Sabi ko at tatakbo na ulit sana kaso hinigpitan niya pa 'yung hawak niya sa braso ko. Tumingin ulit siya sa damit ko at inilagay nanaman ang jacket niya sa bewang ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hinila nalang niya ako

Nakadating na kami sa court at nagt-training na sila.

Lumapit kami kay coach slash sa Tito niya. Nagulat naman ang tito niya sa 'min.

"Kayo na?" Tanong niya. Umiling ako. Tumingin naman siya sa magkahawak naming kamay. Napatingin din ako dun tsaka bumitaw sa kamay naming hindi ko alam kung pa'no naging magkahawak. Oh, my ghad.

Spell awkward.

"Oh siya, magtraining ka na dun, Kai." Sabi ni Coach kay Pusa.

"Ikaw naman, Ms. Gonzales, kunin mo 'yung mga bolang pambasketball dun sa may storage room then tulungan mo na 'yung mga ka-teammates mo. Sige na, go." Sabi niya sa 'kin at tumango naman ako. Pumunta na ako sa may storage room at kinuha na ang mga bola. Shet, ang dami naman. Sa tingin niya ba kaya kong buhatin ang lahat ng 'to. Inilabas ko na 'yung bola at nagsimula nang maglakad ng biglang may nagbuhat ng mga bola.

"Tulungan na kita," napatingin ako sa kanya. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko at naging kapre siya at kaya niyang buhatin ang mga bola. Nagsmile ako sakanya at nagsmile din siya at binuhat na niya ang mga bola. Binigay na niya sa mga players ang mga bola at pumunta na ako sa mga teammates ko at tinulungan na silang kumuha ng bola pag naa-outside.

After ng ilang hours na pagtraining nagbreak muna kami. Syempre kailangan namin magbreak noh. Pumunta akong seaside malapit dito at umupo sa sand. Tumingin ako sa alon ng tubig. Medyo mainit pero ang ganda kasi ng view eh.

"Hey," biglang tumabi sa 'kin si Pusa. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang ulit sa alon. Nagulat nalang ako ng pinulupot niya 'yung kamay niya sa bewang ko at pinalot ang ulo sa balikat ko. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Shet bakit ako kinabahan?

"U-uy, a-alis.." Sabi ko. Shet!

"Pwede 5 minutes lang? Pagod ako eh," sabi niya.

"So ano? Sa 'kin ka nanaman kukuha ng lakas?" Tanong ko. Napatawa nalang siya at hinigpitan pa niya ang yakap. Shet hindi ko na talaga kaya. Parang sasabog 'yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Pinabayaan ko nalang siyang yakapin ako at tumingin nalang ako sa view. Ang ganda talaga ng view. Parang gusto ko kuhanan ng picture pero wala akong dalang camera. Napatingin nalang ako sa nakatitig na Pusa. Inirapan ko siya.

"Are you nervous?" Shet?! Pa'no niya nahalata?

"N-no.." Nauutal kong sabi. Shet sa mga panahon ngayon, makisama ka naman bunganga. Leche eh.

"I'm right, you're nervous." Mayabang niyang sabi. "Gwapo ko talaga," sabi niya nanaman. Tss. Tinulak ko siya ng malakas at tumayo. Pinagpagan ko muna ang aking damit at tiningnan siya ng masama.

"Bahala ka dyan," sabi ko at nag-walk out. Psh!

Bumalik na ako ng court ng nakasimangot. Dumaan ako kela Luhan pero 'di ko sila pinansin. Narinig ko na tinanong nila kung kay Pusa kung bakit ako nakasimangot pero wala akong narinig na sagot dahil kinausap na ako nila Reigna. Umupo ako sa bench at nakipag kwentuhan na sa kanila. Nab-bwisit ako dahil ang topic nila? Si Pusa.. Psh.

Hindi ba sila na-uumay sa topic nila? Kasi ako, umay na umay na. "Change topic guys!"

"Sus, gwapo naman si Katsumi eh. Hihi.." Sabi nung isa kong kateam. Leche, walk out lord na ba ako? Pumunta ako ng CR at sumigaw. Leche nakakahiya talaga 'yung nangyari kanina! Pakshet kang Pusa ka! I hate you!

Nagpatuloy na kami sa practice game ng mga mokong at tinulungan ko na ulit ang mga bruhilda kong teammates.

"Guys pagod na ako.." Panimula ng Coach ng basketball team. Slash 'yung tito ni Pusa. "Laro tayo," sabi niya muli. Nagsi-lapitan kami sa side niya at nagtaka kung anong mga pinagsasasabi neto.

"Ano pong lalaruin natin?" Tanong nung isang kasama ko.

"Tagu-taguan." Sabi niya na parang bata. Nagsi-yehey naman 'tong mga isip bata.

"Sino po taya?" Tanong nanaman nila.

"Maiba taya tayo.." Sabi ni Coach. Nagbilog sila. Oo sila, dahil ayoko nga sumali. Baka maligaw pa 'ko dito at 'di ako makauwi ng buhay noh. Lalo na pag si Pusa ang taya nako, dapat hindi niya ako mahanap.

"Hey, walang hindi sasali. Wag KJ," parinig sa 'kin ni Pusa. Lecheng palaka naman oh. Padabog akong tumayo at inilagay ang aking kamay sa gitna.

"Teka, kampihan tayo." Sabi naman ni Baekhyun. Tumango ang lahat sa desisyon ni Baekhyun at nagkampihan kami. Unang una pa ay kaming dalawa ni Chanyeol. Yes, buti naman at kami ang magpartner. Kung hindi talaga, nako. Galit ako sakanya noh! Tumakbo na kaagad kami ni Chanyeol at nagtago na. Hindi ko na alam kung sino magpapartners dahil tumakbo na kami.

Nagtago kami sa may gubatan dito dahil maaga pa naman at hindi naman kami mawawala. Tawang tawa na ako sa mga kalokohan ni Coach ngayon. Naisipan niyang magtagu-taguan. Syempre ang boring kaya ng practice nila. Baka tinamad na si Coach.

"Huy, Roxette. Tawa ka ng tawa dyan para kang timang. Haha!" Tawa naman ni Chanyeol. Ang abnormal naming dalawa dahil tawa kami ng tawa. Nung may narinig kaming footsteps, tumahimik kami.

"Labas na guys ang hirap maghanaaaap!" Sigaw nung kasamahan ko. Wahaha..

"Wag ka ngang maingay, jeez." Teka, sila Pusa 'yung taya? Wahahhaaahah!

Nung nakita namin na nagtatalo pa sila, humanap kami ng way para makaalis dito at magtago sa ibang place. Tumakbo kaming dalawa at ng biglang mahuli si Chanyeol, nagtago ako sa gilid ng puno. Shet muntik na ako.

"Huli ka, sa 'n si Kadiliman?" Tanong ni Pusa. Hindi naman binaggit ni Chanyeol kung nasan ako dahil baka mataya ako. Kung iniisip niyo na dapat taya na ako, mali. Dahil kampihan lang sa paghahanap ang gagawin. Wahaha!

Tumakbo ako para 'di nila ako mahuli. Nung nawala na sila, umakyat muna ako sa puno para tingnan kung malapit sila dito pero wala kaya bumaba ulit ako. Syempre baka mahulog ako dun wala namang sasalo eh. Naghintay ako ng ilang oras pero wala pading nakakahanap sa 'kin.

Naglakad lakad na muna ako kahit saan para makaalis dito sa gubat hanggang sa nadapa pa ako.

"Ay shete naman!" Sabi ko sa sarili ko dahil nagkasugat pa 'ko sa tuhod at siko ng hindi oras.

Tumayo ako at naglakad lakad na ulit. Gumagabi na pero wala pa'din nakakahanap sa 'kin. Shit, kinakabahan na ako. Tumakbo na ako pero wala padin akong makitang palabas ng gubat na 'to. Hindi ko na nilabas ang phone ko dahil alam ko namang walang signal dito. Malamang gubat 'to eh.

"Guys!"

"Heleeer!"

"Nandito ako kung naghahanap man kayo!" Sigaw na 'ko ng sigaw pero wala padin.

Gabi na pero wala padin sila dito. Shet nawawala na nga ako!

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon