HD [11]

22 9 1
                                    

Chapter 11: Parusa/Dare ng Pusa

Dark Roxette's POV

Nagising ako.. este hindi pala ako nakatulog. Takte naman kasi. Ano ba 'yung dare ni Pusa. Lagot talaga sa 'kin 'yun, nako. Babatukan ko ng pinakamalakas pag hindi niya pa sinabi sa 'kin kung ano 'yung dare niya.

Bumangon na ako at nakitang tulog pa ang mga bruha. Oo nga pala, walang pasok ngayon. Syempre sabado eh. Alanganamang pumasok kami saturday. Ano kami, nagta-trabaho na?

"Good Morning, Babes."

D____O?!

"Ano ginagawa mo dyan? Umalis ka nga, privacy please?" Sarcastic na pagkakasabi ko. Shet, nasa room namin siya. Kairita lang. Lagi nalang ganito. 'Yung maggo-good morning kahit walang good sa morning ko.

"Maligo ka na, may pupuntahan tayo." Sabi niya.

"Baka nakakalimutan mo may atraso at Dare ka pa sa 'kin?" Sabi niya sabay ngisi. Shet, naaalala niya pa pala. Bigti na friend.

Naligo na ako at pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako syempre. Shorts na black then plain white shirt. Nilugay ko lang buhok ko dahil basa pa. Matutuyo rin 'yan mamaya. Nag-converse lang ako na black and white then dahan dahan na lumabas ng room.

Tiningnan ko muna 'yung room nila Pusa pero hindi ko siya nakita doon. Yes, baka wala na. Aalis na sana ako ng bigla akong nakabangga pagtalikod ko.

"Aray!"

Hinawakan niya wrist ko then kinaladkad ako papuntang parking lot. Sapilitan akong sinakay sa Kotse niya at pinaandar agad. Leche naman 'to.

Tahimik lang na nagb-biyahe.

Tiningnan ko siya, gwapo din pala 'to. Pero grabe lang 'yung kayabangan. Halos magka-tornado na eh. Kung hindi ko 'to nakilala na mayabang siguro magkaka-crush pa ako dito. Kaya lang sorry hahah! Seryoso ako kagabi, wala akong first crush.

"Gwapo ko ba?" Sabi niya ng nakatingin padin sa kalsada. Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin.

Ilang oras din kami nagbiyahe ng makarating na kami sa place na pupuntahan. Tss.

Lumabas na siya ng kotse. As usual, ako nagbukas ng pinto at lumabas na ako dahil gentleman kasi siya diba. Gentleman! Diba?! Sarcasm please.

"Hoy ano ba kailan ko ba malalaman kung ano Dare mo sa 'kin?" Tanong ko.

"Later," sabi niya sabay kaladkad nanaman sa 'kin papuntang Cinehan.

Bumili na siya ng Popcorn at ako naman ay bumili rin ng sarili. Asahan mo naman 'yang manlibre diba. Kuripot 'yan eh. Siguro kung may nililigawan 'to ang kuripot. Tsaka siguro kaya sila nagbreak dahil kuripot itong si Pusa. Haha! Nai-imagine ko lang na kung ako girlfriend nito kawawa ako. Haha!

Teka, ano ba 'tong iniimagine ko? Lecheng Pusa!

"Tara Horror!" Shet? For real?

Pumasok este kinaladkad nanaman ako ni Pusa papunta sa loob ng cinehan at umupo na kami sa pinakadulo. Dun talaga sa pinakamadilim at pinakanakakatakot na part ng cinehan. Shet, ayoko sa multo kahit hindi ako naniniwala.

Nags-start na siya.

"Uy adik ka talaga gusto mo ako mamatay?!" Sigaw ko sakanya. Siya naman ay tumatawa lang. Hindi pala tumatawa, humahalakhak na. Humanda din sa 'kin 'to. Babatukan ko talaga!

"WAAAH!" Nagulat ako dahil biglang may humawak sa bewang ko. Shet! Ano ba naman 'yan!

"Leche ka Pusa!" Siya lang naman kasi, nananakot!

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon