HD [23]

20 9 3
                                    

Chapter 23: This is It!

Dark Roxette's POV

Nandito kami ngayon sa gym ng TU. Ang dami kong dalang banner. Pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to. Past weeks ito lang ginawa ko eh. Nakaupo kaming dalawa ni Sophie sa Bleachers

"Tagal naman nila," sabi ni Sophie. Kanina pa kasi kami dito ni Sophie. Halos mago-one hour na nga kaming nakaupo dito eh. Kasi naman masyadong excited si Sophie kaya nagaya na siyang pumunta dito.

"Sophie, CR lang ako." Sabi ko sakanya at tumayo na ako para magCR.

Nagwash na ako ng face kasi medyo oily na siya. Kanina pa nga kami dun at wala pang aircon kaya nagpawis 'yung mukha ko.

Pagkatapos kong magwash, lumabas na ako ng CR at saktong nakita ko sila D.O na nakajersey na at papasok na sa Gym. Nakita nila ako at nag-wave ako sakanila. Pinuntahan nila ako.

"Uy, Roxette!" Bati ni Baekhyun.

"Goodluck guys!" Sabi ko sakanila at nag group hug kami. Ngayon ko lang napansin na wala sa group hug namin si Pusa. Asan na kaya 'yun? Nung kumalas na kami sa pagyakapan, bigla nalang hinanap ng mata ko si Pusa.

"Don't worry andyan na 'yun." Bigla naman akong nagulat nung sinabi ni Chen 'yun.

"Speaking of him, ayan na oh." Sabi naman ni Xiumin at tumalikod ako then napanganga ako. Dejoke lang. Bakit ang gwapo mo, Pusa?

"Hi," sabi niya sabay smile. Nagsmile din ako sakanya. 'Di ko alam kung anong gagawin ko. Tsaka bakit ang awkward!

"Uhhm.. Ano, goodluck!" Sabi ko sakanya.

"Thanks," siya naman. Shit, awkward nanaman.

Di ko alam pero..

*tsup

• • •

Mags-start na ang laban pero ako nakatunganga padin. Bakit ko ginawa 'yun?! Anong pumasok sa kokote mo at ginawa mo 'yun?! Oh, my ghad, Roxette! Paano ka ngayon haharap sakanya? Edi madadagdagan Awkwardness niyo?! Leche leche leche!

"Huy, tungangers 'to. Ayan na sila!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung binaggit ni Sophie 'yung word na sila. Bigla din lumakas 'yung hiyawan ng mga tao. Nandito rin ang kalaban naming school which is AU (Anderson University)

Nakita ko na sila. Hinila ako ni Sophie para tumayo nalang kasi medyo hindi namin kita. Nandito kasi kami sa pinakaunahan kaya kitang kita namin kapag nakatayo.

"Go guys!" Sigaw ni Sophie kaya napatingin sila sa side namin. Shit, biglang bumilis tibok ng puso ko nung tumingin siya. Bakit ganun, hindi parin mawala 'yung eksena kanina. Ngumisi siya sa 'kin at kumindat. Shit mas lalong bumilis. Magkakaheart attack pa 'yata ako.

Pumito na 'yung referee kasabay nung pagpasok ng mga players ng AU at may familiar na mukha akong nakita.

Oh, shit. Siya pala ang makakalaban ng school namin.. Leo Chase Mendes.

Biglang napatingin sa side din namin ang players ng AU at nakita ako ni Leo. Nung una, nagulat pa siya at nung tumagal nagwave siya sa 'kin. Pero ako, nashock lang at hindi makakibo. Shemay I can't believe this is happening.

Nagready na silang lahat at napatingin ako sa side nila Chanyeol. Nakita ko si Pusa na nagulat din sa nakita niya pero biglang sumama ang aura niya. Napatingin naman sa 'kin si Chanyeol at nagwave.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon