HAPPY 4TH ANNIVERSARY, EXO!!
Chapter 22: Bonding
Dark Roxette's POV
Umaga na at dito nakatulog si Sophie. Dun talaga sa kama ko natulog kaya sa sahig ako. Nandito kasi din sila Lynn at Candy. Bumangon na ako at nakita ko na wala silang dalawa. Kaming dalawa lang pala ngayon 'yung nasa dorm. May nakita akong letter sa ibabaw ng Bed ni Lynn. Kinuha ko 'yon at binasa.
Hey, Roxette! Or your friend, Sophie.
Kung mababasa niyo 'to i'm sure wala kami dito kaya, yun. May pinuntahan lang kami ni Candy. Babalik din kami mamayang gabi. Kaya don't you worry. Good morning nga pala! May pagkain na dyan, kainin niyo nalang. Tsaka, get well soon, Roxette. Nakita ko kasi may mga sugat ka so 'yun.xoxo
Hindi ko muna ginising si Sophie dahil antok ang bruha sa mahabang kwentuhan namin kagabi. Kumain na ako at nauna nang naligo.
Jusmiyo naman 'tong boys kung maligo. Dapat nila-last maligo si D.O kasi masipag 'yun maglinis at malinis talaga siyang maligo. Ang kalat kasi eh. Tsaka teka, ba't parang ang aga nilang naligo. May pinuntahan ata ang mga mokong ngayon ah.
Pagkatapos kong maligo, nakita ko si Sophie kumakain.
"Oh, kala ko umalis ka." Sabi niya habang ngumunguya. "May pupuntahan din tayo ngayon." Nagtaka naman ako kung anong binabalak ng bruhang 'to.
"Saan naman?" Tanong ko.
"Gagala. Kung saan mo gusto. Basta bonding naman tayo. Namiss ko na 'yung tayong dalawa lang magbonding eh." Sabi niya at naflattered naman ako. Ngumiti ako at ngumisi siya.
"Maligo ka na, punta tayo EK." Sabi ko at umaliwalas naman ang mukha niya. Jusq ang bilis kumilos nung narinig ang EK eh. Nung first time niya kasing pumunta dito ayaw na niyang umalis. Favorite place niya kasi 'to eh.
Nagbihis na din ako ng ripped jeans na greyish white and converse na white with white t-shirt. Nilugay ko lang buhok ko kasi basa pa. Pagkatapos nun, lumabas na sa banyo si Sophie at aba, lakas maka-crop top taba taba naman.
"Yun oh, pakita tabs." Pangaasar ko sakanya. Inirapan niya ako at hinila na papuntang labas. Nilock ko na 'yung pinto tsaka 'yung pinto sa banyo. Mahirap na baka mangasar ang mga mokong. Pumunta na kami sa guard. Yun oh, buti nalang bago 'tong guard kundi hindi kami papalabasin. Kailangan pa kasi ng excuses bago lumabas. Jusq naman parang bata lang.
Naghanap muna kami at naglakad lakad para makahanap ng taxi pero ang hirap talaga makahanap ng taxi. Pero buti nalang may mga tao dito na pwede kaming tulungan makahanap ng taxi at yun, nakasakay na kami. Ilang oras din ang byahe kaya nakatulog si Sophie. Ako, wide awake.
Ng makadating na kami sa EK, ginising ko na si Sophie at bumili na kami ng tickets papasok ng EK. Pumunta muna kasi sa restaurant dito kasi gutom na gutom na ako. Nagorder na kami at kumain na. Sobrang bilis kumain ni Sophie. Hindi masyadong halata na gustong gusto na niyang sumakay sa Space Shuttle.
"Mabulunan ka dyan," sabi ko sakanya. Pero siya tuloy tuloy padin. Hay nako, si Sophie.
Pagkatapos namin kumain, nagpahinga muna kami ng saglit kaso itong si Sophie abnormal hinila agad ako sa Space Shuttle dito at ayun, sumakay na kami. Di ko alam kung masusuka ako dahil nga konting pahinga lang naman ang ginawa namin. Lecheng Sophie.
Nung pagkababa na pagkababa namin ng Space Shuttle, 'di ko na mapigilan ang sarili ko at pumunta na ako ng CR at sumuka ako. Parang sinuka ko na nga lahat ng pagkain na kinain ko kanina lang.
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
FanfictionAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...