HD [24]

29 10 1
                                    

Chapter 24: Kalaban o Karibal?

Katsumi's POV

Good mood na sana ako sa pag-iloveyou at pag kiss sa 'kin ni Kadiliman kaso umekstra pa 'tong kaibigan ni Kadiliman na si Leo. Psh. 'Di ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako sa pagmumukha ng Leo na 'yan. At talagang pinaupo pa siya sa harapan namin ni Kadiliman.

"Kain ka lang dyan," sabi sakanya ni Kadiliman. Tahimik ang paligid namin dito. Wala ni-isa kela Baekhyun, Tao at sakanila ang nagsasalita. Si Kadiliman lang at si Leo ang nagsasalita.

"Nga pala, pwede ka mamaya? Wala naman kayong pasok ngayon eh," sabi ni Leo kay Kadiliman. Aba't! Magsasalita na sana si Kadiliman kaso nagsalita ako.

"Hindi pwede," sabi ko at napatingin naman silang lahat sa 'kin. Lalo na si Kadiliman.

"Bakit? You're free, right?" Tanong ni Leo.

"No, she's not. She's with me." Paliwanag ko sakanilang dalawa. Oo, biglaan 'to. Ayaw ko lang kasama ni Kadiliman si Leo magisa.

"Then I'll come with you," sabi niya na ikinagulat ko. Leche!

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Kadiliman. "Sige, sama ko na 'rin si Sophie." Sabi ni Kadiliman. Sinamaan ko lang ng tingin 'yung si Leo at bumalik na sa pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain, pumunta muna si Kadiliman sa Dorm niya at tiningnan ko naman sa bintana na nandun naghihintay si Leo sa labas. Nandito rin si Sophie sa dorm ni Kadiliman. At ako kanina pa naiirita sa nangyayari ngayon.

"Huy," sabi sa 'kin ni Baekhyun.

"Ano, nagseselos ka?" Tanong ni D.O.

"Huh? 'Di noh. Naiirita lang ako sa presensya ng mokong na 'yan."

"Tss. Deny pa." Bulong ni Baekhyun. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nung nakita kong lumabas na sila Kadiliman lumabas na din ako. Inakbayan ko kaagad si Kadiliman at nauna na sa Kotse ko. Oo, kotse ko ang gagamitin.

"Uy, Pusa." Sabi ni Kadiliman.

"Oh?" Tanong ko naman sakanya.

"Lalang. Hehe.." Sabi niya at umiwas siya ng tingin. Nakita ko naman siyang namula kaya hinigpitan ko pa 'yung akbay ko sakanya. Minsan may topak 'rin 'tong si Kadiliman ko eh.

Pumasok na sila Kadiliman sa kotse ko. Syempre 'di ako papayag na magkatabi sila ni Kadiliman kaya si Leo sa front seat.

"So sa'n muna tayo pupunta?" Tanong ko.

"Bibisitahin muna natin 'yung bahay ko." Sabi ni Sophie. Umagree naman si Kadiliman sa idea ni Sophie kaya ang unang pinuntahan namin ay 'yung bahay nila.

Ng makadating na kami dito sa bahay, parang bago padin at malinis kahit walang tao.

"Babes, bakit malinis pa'din kahit walang tao?" Tanong ko kay Kadiliman.

"Babes ka dyan. Mukha mo noh. Naglagay kasi kami pagkaalis namin dito ng pampalinis at pampawala ng alikabok." Sabi niya. Nauna na siya pumunta sa loob ng bahay at sumunod naman si Leo. Syempre 'di ako papayag na magkatabi sila kaya sumunod din ako.

Pagkatapos namin itour ulit 'yung bahay nila Kadiliman, ang next stop naman namin ay mall daw. Sabi nilang dalawang girls eh. Magiging taga buhat nanaman ako. At itong kupal na kasama namin.

Pagkadating namin sa mall, bumaba na ako at pinagbuksan ko si Kadiliman. Mauunahan sana ako kung hindi ako mabilis kumilos.

Nung nauna na silang dalawa sa loob, tiningnan ko si Leo at nakatingin siya sa 'kin.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon