HD [19]

20 9 0
                                    

Chapter 19: Training (Day 3)

Dark Roxette's POV

Naglakad lakad na ako kahit saan pero 'di ko parin makita 'yung daan papunta sa court nila coach at dun sa hotel or club na ewan na chineck-in namin. Sumigaw na din ako ng todo todo para naman may makarinig.

"HOY MGA KULANGOT NANDITO AKO!" Sigaw ko. Halos umaga na nga eh. Kasi nakikita ko na 'yung sunrise dito.

Takbo ako ng takbo kasi nakakita ako ng ipis na lumilipad. Eh ayoko pa naman ng ipis na lumilipad. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa madapa ako at nagkaroon ng sugat na malaki sa isa ko pang tuhod. Leche naman, 'yung magkabila kong tuhod nagkasugat. Pa'no naman ang kutis ko?!

Teka, parang..

Everything went pitch black..

---

Someone's POV

Naglalakad lakad lang ako dito sa gubat para kumuha ng pagkain. Kasi naman pupunta punta dito pero wala naman silang dalang pagkain. Tsk. Hinanap ko na 'yung puno na maraming pagkain at shoot! May nakita ako.

May nakita akong babaeng nakahandusay malapit sa puno at may dugo siya sa noo. Nagmadali akong buhatin siya at dalhin siya sa malapit na clinic dito sa 'min.

"Oh, may babae ka nanaman?!? Ano ban-- OH MY GOD WHAT HAPPEN TO HER? Tara na't gamutin na siya oh my ghad.."

---

Dark Roxette's POV

Wait, what? Asan ako..

Bumangon ako pero biglang sumakit ulo ko.

"Aray!"

"Oh, ba't ka bumangon.. Kitang may sugat ka sa noo, oh.."

O_O

"AAAAAAAHHHHHanbdhjxmwbwgd." Bastos din 'tong isang 'to eh. Kitang sumisigaw 'yung tao biglang tatakpan bunganga ko. Aba, matinde! Inalis ko sa bunganga ko 'yung kamay niya at napasapo ulit ako sa noo kong sobrang sakit.

Tiningnan ko siya pero siya naka pokerface lang.

"Hala, lagot ako.." Bulong ko. Kasi nakita ko na 'yung phone ko nagriring na si Pusa.

Sasagutin ko na sana 'yung phone ko kaso bigla niyang kinuha at pinatay.

"What the fvck?!" Sigaw ko sakanya.

"You should rest for a while,"

"Lagot ako sakanya! It's your fault!" Sigaw ko padin. "Who are you to do that?!"

"I'm Leo Chase Mendez. Now you know my name so will you shut down your voice?" Sabi niya sa 'kin at nagwalk out. Nagroll eyes nalang ako at nahiga. Tinry ko ulit tawagan si Pusa kaso cannot be reach. Nalobat ang ugok. Tinry ko naman si Chanyeol, ayun sumagot.

"Hoy bakulaw leche ka sunduin mo na 'ko dito!" Sabi ko sakanya.

"Hello, teka wag kayo maingay!" "Si Roxette ba 'yan?" "Uy pakausap!" Ang ingay nila jusko. Tinakluban ko tenga ko atnilayo ang phone. Nako naman 'tong mga 'to. Masyado akong namiss. Kahapon lang naman ako nawala.

"Gaaais?! Sabi nang sunduin na ako dito eh." Tumayo ako pero bumagsak ulit ako. Leche naman 'tong sugat ko sa ulo. Tsaka, kelan pa ako na pilay? May sugat nga pala ako sa magkabilang tuhod. Kung minamalas ka nga naman, oh.

"Hello? Roxette, nasan ka?" Tanong sa 'kin ni Chanyeol.

"Ano uhmm.. Andito sa clinic. Di ko alam 'to, heler?" Pamimilosopo ko.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon