HD [28]

23 9 0
                                    

Chapter 28: Vacation

Sophie's POV

Pinuntahan ko na si Roxette para mag shopping kami at mag grocery ng mga pagkain namin bukas. Papunta kasi kami ng Bora bukas dahil may plano sila Suho kanila Roxette at Kai. Mga abnormal halata naman na inlove na si Kai kay Roxette at si roxette ay pakipot lang muna kay Kai. Jusko naman. Pero ayoko naman sirain trip nila kaya pagbigyan.

"Hoy Roxette labas na sa kweba mo at magsho-shopping na tayo para sa alis natin bukas!" Sigaw ko sa labas ng Dorm nila at ang bumungad sa 'kin ay ang gulo-gulong buhok na si Roxette at kinukusot-kusot pa ang mata dahil bagong gising palang.

"Maligo ka na, ang baho mo." Sabi ko sakanya sabay tulak sa banyo at kinuha na lahat ng damit niyang susuotin tapos naligo na siya. Hay nako, inaantok pa ang lola niyo.

Pagkatapos niya maligo, pumunta na kami sa mall at nagshopping na. Nakikita ko din minsan sila Baekhyun. Hay nako 'tong mga 'to. Sinisigurado talaga na may papagusapan kami ni Roxette na tungkol kay Kai.

Pumunta na kami sa SB at nag order na ng frappe. Ininom ko na 'yon at itong si Roxette ay hanggang ngayon ay tulalengers pa din.

"Huy, iniisip mo ba si Kaiyourloves?" Tanong ko sakanya at nakatulala pa siya. Nagtanong padin ako ng nagtanong at dakdak lang ako ng daldal dito na para akong tanga pero ganun padin itsura niya. Aba, ayos 'tong babaeng 'to ah.

"Hoy! Aba? Salita ako ng salita dito, may naiintindihan ka ba sa mga pinagsasasabi ko?" Tanong ko sakanya pero tulala padin. Kinuha ko phone niya dahil naka patong lang naman sa desk kaya tiningnan ko wallpaper at aba, huli sa akto ang princesa niyo! Gulat na gulat ako sa nakita ko dahil ang wallpaper niya ay si Kaiherloves. Kileg much!

"Hooy! Aba, hanep ka, Sophie ah? Akin na!!!" Sabi niya sa 'kin sabay kinukuha padin ang Phone niya sa 'kin pero inilalayo ko. Haha!! Kukunin na niya ang Kaiherloves niya! Wallpaper ni bruha si Pusa niya. Ajujuju hahaha!

Ibinigay ko na sakanya 'yung phone niya at tiningnan ko siya ng parang kinikilig na nangaasar na ewan. Nung napatingin na siya sa 'kin, ngumiti lang siya. 'Di niya talaga mapigilan ang ngiti niya pag kay Kai. Hay nako, inlababo na talaga ang bestfriend ko.

"Bakit?" Sabi niya habang nakangiti.

"Bakit may Kai dyan sa wallpaper mo?" Tanong ko sakanya habang nakangisi. Siya naman, halatang kinakabahan na kinikilig na ewan at medyo pinagpapawisan siya. Nagulat lang ako ng tumayo siya at hinila na ako palabas ng starbucks. Medyo baliw din 'tong bespren ko minsan eh. Ayaw lang mahot-seat.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa next stop namin. Mags-swimming kasi kami so ipbibili kami ng swimsuit. Pumunta kami sa girls wear dito sa mall at pumili na ng mga damit na pangswimming. Pinili ko 'yung black na two-piece pero tinanggihan niya. Leche, ang sexy niya kaya dun.

Pinili niya 'yung black rush guard at 'yung black na medyo maikli na shorts. Aba, kulong na kulong si Ateng? 'Di pwede magpakawala? Hanep naman 'tong si Roxette ang conservative masyado. Pero ayos lang din naman 'yon pero KJ niya eh!

Magbabayad na sana kami ng biglang nac-CR si Roxette. Libre ko naman daw kaya magc-CR lang daw muna siya. At dahil libre ko nga, pinalitan ko ng two-piece 'yung rush guard niya pero hindi 'yung shorts. Magagalit na talaga siya sa 'kin pag 'yung shorts din pinalitan ko. Syempre libre ko eh dapata ko masusunod, diba? Mwahahahha!

Pagkatapos kong mag bayad, dumating na siya at pumunta na kami sa mga pagkain naman. At dahil pagkain ang usapan, madami akong binili. Wala eh, marami din siyang binili dahil libre ko naman daw. Naks, yaman ko. Dejoke ahahah!

Pagkatapos namin bumili, umuwi na kami. Nasa taxi kami at itong isa, tulalang-tulala padin. Ano ba nangyari sa date nila kahapon ni Kai? Oo, date 'yun dahil syempre I have kinections at kwinento sa 'kin ni Baekhyun. Lahat alam nun dahil may spy sila. Abnormal din eh.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon