Chapter 17: Training (Day 1)
Dark Roxette's POV
August 03, 2015
Hay nako jusko, ang sakit ng buong katawan ko at parang hindi ako makakaattend sa day 1 ng training ng basketball. Lintek kasi kasama pa 'yung volleyball girls. Bakit kasi kasama pa, ano kayang nakain nung coach at sinama pa ang volleyball girls. Wala rin naman akong magagawa kaya bumangon na ako.
"Omg, 5:02 palang." Bulong ko sa sarili ko. Pumunta nalang ako ng CR para maligo na. Maaga kasing aalis dahil sa ibang lugar kami pupunta para sa training. Ang gara lang kasi bakit hindi nalang dito sa school mismo mag practice diba? Bakit sa ibang lugar pa? Lakas lang ng trip ng coach at ng principal.
Pinlay ko muna 'yung favorite kong song na Castaway by 5 seconds of summer at nagprepare na ng gamit. Pagkatapos kong maligo at magprepare, lumabas na ako ng room at may nilagay nalang akong note para 'di na nila ako hanapin. I can't imagine na i'll be gone for a week.
Naglakad na ako papuntang waiting area na napagusapan namin ng volleyball and basketball pati nadin 'yung coach. Umupo muna ako dun. Masyado ba akong excited at ako ang pinakaunang tao na nandito o naiwan na ako?
"Oh, my!" Bulong ko ulit dahil 6:12 palang at tulog pa ang madla.
"Hey, up so early?" Oh, thank god! Akala ko naiwan na ako.
"Oh, Rei. Ano oras nga ulit ang alis natin?" Tanong ko sa kasamahan kong si Reigna.
"Sabi kasi nila 7:00 sharp edi pumunta ako dito 6:05. Haha.. Ikaw aga mo 'yata?" Sabi niya sa 'kin at tumango lang ako at tumawa naman siya. Naghintay na kami at unti-unti na silang dumating isa-isa. Wow, aga 'yata ng mga mokong. Mukhang dinadalaw pa sila ng hangover ah. Mga ewan kung maglakad eh.
"Uy, Roxette!" Tawag sa 'kin ni Chen. Napasapo naman siya sa ulo niya at napapikit.
Tumabi sa 'kin si Pusa at nakita ko naman sila Baekhyun ay nasa isang tabi din natutulog. Nakita ko naman na napasandal na sa balikat ko 'tong si Pusa. "Yan laklak pa,"
Sinamaan niya lang ako ng tingin at sumandal na ulit sa balikat ko.
Dumating na si coach mga 6:50 at nagsitayuan na kami para pumasok na sa Bus. Umakyat na ako at kasunod ko si Pusa. Halo-halo ang seating arrangements. Dapat volleyball girls ang nasa unahan kaso ayaw nung iba kaya pinaghalo nalang. Sa gitna ako syempre. Dapat katabi ko si Chanyeol pero ano nangyari? Naunahan lang siya ni Pusa.
Nagbiyahe na at nabalot ng katahimikan ang bus. Kasi may mga hangover pa ang mga bruho. Nung ilang hours lang ang nakalipas at nakarecover na silang lahat ay nagingayan na ang buong tao sa bus. Lalo na 'tong katabi ko, parang baliw. Kung ano-anong pagkain ang pinapasa sa 'min pero hindi niya pinapasa sa likod. Iniipon niya.
"Girl, ang swerte natin!"
"Bakit naman?"
"Kasi kasama natin ang exodus hihi.."
Hay nako, kahit anong gawin ko bulungan padin at ingay ang naririnig ko. Medyo mahaba-haba pa ang biyahe namin. Naglalaro nanaman sila at ako, nakatingin lang ako sa bintana at nakikinig sa mga pinagsasasabi at pinaggagagawa nila.
"Roxette, tara sali ka." Sabi sa 'kin ni Luhan at tumango nalang ako. Medyo na bo-boringan na din ako sa pagtingin sa bintana kasi puro kotse lang nakikita ko. Tumayo na din ako para makalaro. Nakatayo kasi sila eh. Ano nilalaro nila? Pasahan ng bola na maliit. Ang corny pero sabi nila kakanta daw pag hindi nasalo. Bawal daw KJ. Ehdi wow.
Unang nagtapon ng bola ay si Chen at nasalo ni Luhan tapos kay Lay then kay Pusa then pinasa naman ni Pusa kay Xiumin at hindi nasalo ni Xiumin. Shet ang bibilis nila magtapon ng bola. Hirap naman nakakakaba.
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
FanfictionAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...