HD [26]

14 8 1
                                    

Chapter 26: This Kiss

Dark Roxette's POV

Bakit may message dito na ganito si Pusa? Bakit may Babe? May girlfriend ba siya? Bakit hindi niya sinabi sa 'kin? Bakit ganito puso ko, nagseselos ba 'ko? Ang daming tanong dito sa isip ko habang ginagamot ko si Pusa.

Ibinaba ko na 'yung phone niya at medyo warm na si Pusa ngayon. Pumunta ako ng CR para itabi na 'yung timba at towel.

Lalabas na sana ako ng CR pero nung bumukas ito, biglang bumungad sa 'kin ang magulong buhok ni Pusa. Nagflashback tuloy sa 'kin 'yung nangyari nung isang araw na ganto din.

Lumapit siya ng lumapit hanggang sa nandun na siya sa harapan ko. Lichi nagiinit nanaman ang pisngi ko. Bakit ang lakas ng epekto mo sa 'kim, Pusa? Niloloko mo lang ako diba? Bakit ganun? Sino ba kasi 'yung nagsabi ng Babe sa 'yo.

"Bakit?" Tanong ko.

"Uhm.. Thank you," sabi niya sa 'kin. Nag-nod lang ako at bumalik na sa pagaayos ng CR dito.

"Uy, galit ka?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin. 'Di ko alam pero bakit ganun naramdaman ko nung nakita ko 'yung text.

"Kung tungkol 'yan sa Text na 'yun, wala 'yun. Wala akong girlfriend." Sabi niya sa 'kin at nagulat naman ako nung hinug niya ako galing sa likudan ko. I can feel his breath sa neck ko at naaamoy ko ang scent niyang mabango kahit galing sa sakit.

"U-uy," sabi ko.

"Ehh.. Galit ka eh," sabi niya sa 'kin. Hindi ko nalang siya pinansin. Pagkatapos kong maglinis hindi pa 'din siya bumibitaw.

"Uy, bitaw na," medyo bossy kong sabi. Ayaw niya padin bumitaw at ang ginawa niya, hinarap niya ako at hinug ulit. At ngayon ang posisyon ko na ay nakaharap sakanya. Habang siya nakahug padin sa 'kin. Nafefeel kong pinagpapawisan ako kahit medyo malamig naman ang banyo.

Magsasalita na sana ulit ako kaso bigla siyang lumakad papunta sa loob ng dorm nila habang nakahug padin. Saka niya lang ako binitawan nung nahulog na kami sa kama niya. Lichi naman 'to.

Tumayo na ako tapos biglang may tumawag. Napatingin ako kay Pusa at ayun, nanliit ang mata sa 'kin.

"Wag mong sasagutin," sabi niya sa 'kin.

"Bakit?" Tanong ko. Tiningnan ko 'yung tumawag at si Leo pala 'yun. Long time na ng hindi ko siya nakakausap tapos sasabihin niya sa 'kin na wag kong sagutin.

"Kailangan ko 'to sagutin, si Leo 'to eh," sabi ko at sasagutin ko na sana kaso bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko. Nagtaka naman ako kung bakit niya hinawakan. Ano namang masama kung kakausapin ko si Leo?

"Bakit ba ayaw mong sagutin ko 'yung tawag ni Leo?" Tanong ko.

"Eh sa ayaw ko eh," sabi niya. Nirolyo ko ang mata ko. Nakakabwisit eh. Kakagaling niya lang sa sakit akala niya susundin ko siya.

Hinila ko 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya at mabilis na tumalikod at sinagot ang tawag ni Leo.

"Hello-"

Nabitawan ko ang phone ko at next thing na nalaman ko ay hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako, sa lips. My Virgin lips! My First Kiss! Huhu..

Nagulat ako sa ginawa niya. I can feel na passionate kiss lang 'yon hanggang sa hindi ko malaman kung bakit nagrespond ang sa mga halik na binibigay ni Pusa.

• • •

Kanina pa ako tulala sa klase at hindi ako makafocus ng maayos sa mga task namin. Jusko kasi.. Ang awkward ayoko ikwento.

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon