HD [10]

28 10 1
                                    

Chapter 10: Truth or Dare

Katsumi's POV

Gusto ko siyang pagtripan sa boyfriend niya eh. Haha!

"Hoy, matulog ka na nga dyan! Parang praning tumatawa magisa," sabi ni Baekhyun sa 'kin. Tss. Inggit lang sila! Bahala na matutulog nalang ako.

- - -

"Hoy, bro. Gising na."

"Oo nga, Kai! Hinihintay na tayo."

"Nga eh, hinihintay na tayo ni Roxette."

Napabangon ako ng marinig ko ang pangalan ni Kadiliman.

"Babangon din pala eh," sabi ni D.O at umalis na sa harapan ko. Umiling nalang ako at dumiretsio sa banyo para maligo. Buti walang tao. Pagkatapos kong maligo, dumiretsio na ako sa labas dahil hindi naman ako hinintay ng mga hinayupak.

Nakita ko na siya.

"Good Morning, Kadiliman!"

"Walang good sa morning kung ikaw ang babati." Sabi niya at naglakad na. Nakasunod naman kami sakanya. Inunahan ko na siya at hinablot ang kamay niya at umakbay ako. Yes! Haha!

"Uy, baliw. Pag tayo napagkamalan," sabi niya. Ngumiti lang ako at direderetsio lang at hindi pinansin ang sinabi niya.

Pumunta na kami sa Classroom at umupo na. May katabi siyang iba kaya inunahan ko na. Tutal gwapo naman ako eh. Haha! Tumingin ako sakanya at siya naman ay naka-earphones at nagbabasa sa wattpad. Tumabi sa 'min sila Luhan.

Dumating na si Prof. Nag-goodmorning na siya pero walang bumati. Haha, nice one!

"Babes, sa'n mo gusto pumunta mamaya? Dinner sa labas or dinner sa kwarto? Yummy naman abs ko eh,"

*pak

"Langya naman, Kadiliman. Nagbibiro lang eh."

"Tigil tigilan mo ako ah." Sabi niya at nakinig nalang ulit. Pakshet, ang sakit ng batok ko. Amazona talaga nitong Kadiliman na 'to. Humanda talaga sa 'kin 'to. Ang dami na netong atraso sa 'kin.

"Mr. Jimenez and Ms. Gonzales, kung maglalandian kayo, wag dito." Nagulat ako ng biglang nagsalita ang Prof naming bitter dahil hindi siya ang nilalandi ko. Tss. Tabachoy.

"Honey, wag daw dito. Tara?"

*pak

"Huta! Nakakailan ka na ah," sabi ko.

"Nakakailan ka na din eh!"

"YIEE SWEET!" Sigaw ng classmates namin. Ano ba naman 'yan. Mga bata haha!

Umiling nalang sa 'min ang bitter naming Prof at tinuloy na ang discussion niya. Kinuha ko nalang Phone ko at kinalikot ang newsfeed ng twitter ko. What's new? Nothing. Puro 'iloveyou' tweets ng mga fangirls ko ang nandun. Iniba ko 'yung bio ko. Syempre luma na eh.

"Psst!"

"Uy,"

"Kai!"

"Oh?!"

"Dun muna kami sainyo mamaya ah. Wala namang pasok bukas eh." Sabi ni Xiumin at tumango naman sila Baekhyun. Tumingin sa 'kin sila D.O at sabi nila sa mga tingin nila na pumayag na ako. Pero parang ayoko. Tss.

Tumango nalang ako at nakinig nalang sa prof. Medyo mahirap-hirap din 'to.

Dark Roxette's POV

Nakakainis talaga si Kats! Jusko lord ayaw ako lubayan! Pagkatapos ng klase, pumunta agad ako sa Canteen. Tinanong ko sa mga kasamahan ni Sophie kung bakit hindi lumabas ng dorm 'yung hinayupak na 'yun sabi nila may sakit daw. Jusko naman kung kelan kailangan eh!

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon