Chapter 14: Preparing
Dark Roxette's POV
Marami na ang nangyari at natapos din ang pagiging slave ko. Una, may inaalala pang darating na training ang basketball boys at panigurado, ngayong august na 'yun gaganapin. Kasi balita ko september daw may laban sila. So kailangan nila mag prepare kasi malapit-lapit na 'yun.
Second, inaalala ko pa kung ano ire-regalo ko kay Chanyeol. Kahit November twenty-seven pa ang birthday niya, ginawa nalang niyang august kasi busy daw siya tuwing birthday niya. Party palang 'yung sa august na handaan pero ang real birthday niya ay November. Lakas din ng trip nun eh.
Third, kailangan ko na magaral kasi kailangan kong pumasa. Ayoko namang ipahiya ang mga magulang ni Sophie na nagpaaral sa 'kin dito. Nakakahiya naman kung maglakwatsya pa ako. Sila Pusa naman 'yung nagpipilit sa 'kin na maglakwatsya eh. Porket anak ng may ari ng school.
"Huy, Roxette. Ano? Tara na?" Tanong sa 'kin ni Lynn at tumango naman ako. Pumunta na kami ng classroom at umupo na ako sa bakanteng seat. Sa may tabi syempre ni Sophie. English class naman namin 'to eh. Wala namang pakielam prof namin.
"Sophie, ano balak mong gawin this coming sembreak?" Napatanong ko bigla.
"Huh? Tagal pa nun ah? Ewan. Dipende. Hay jusko ang tagal pa nun, Roxette." Sabi niya sa 'kin at napakamot nalang ako ng ulo. Gusto ko na kasi mag sembreak. Ang hirap kaya pag college na, ang daming ginagawa.
Pumasok na si Prof pero wala pa din ang mga ugok. Grabe, late talaga mga 'yun. Kanina sa Room parang gising na sila eh. Ang iingay nga nila eh pero ngayon late?
"Good Morning class, as you blah blah blah blah blah.." Nagdiscuss na siya about english languages. Korean, Chinese, American, British, Italian, at kung ano ano pa'ng languages ang diniscuss niya. Medyo marunong naman ako sa mga ganyan pero wala akong magagamit dyan dahil hindi naman ako mago-out of the world or something.
Cullinary Arts kinuha ko bakit naman ako magsasalita ng ganyan?!
"Sophie, diba cullinary arts kadin? Bakit tayo tinuturuan ng ganyan. Ano lokohan?!"
"Baliw ka ba? Malay mo sa ibang bansa ka makahanap ng malaking sweldo ng pagiging chef edi mas giginhawa buhay mo.." Sabi niya sakin at napatango naman ako. Oo nga noh? Haha 'di ko naisip 'yun.
Ilang oras na ang nakalipas pero wala padin sila D.O at friends. Asan na kaya 'yun?
After ilang minutes ulit, may nagtext sa 'kin bigla.
From: Pusa
Hey.. We're preparing Chanyeol's party dito sa may Hideout namin. Hindi ito alam ni Chanyeol. Distract mo siya para hindi niya kami hanapin? Okay? Thanks..
To: Pusa
Okay..
Kaya naman pala wala sila ngayon. Akala ko late 'yun naman pala may birthday party na hinahanda. Hay nako, goals na talaga sila.
Maya maya, break na namin.. Hinahanap ko si Chanyeol pero 'di ko siya makita. Hinanap ko siya sa canteen, sa kwarto nila, sa rooftop pero wala siya. Sa'n ko lang siya nahanap? Sa may garden ng school naka-higa. Hanep si Koyah dito lang pala kung sa'n sa'n pa ako naghanap. Jusq.
"Chanyeol.." Napatingin siya sa 'kin at ngumiti. Tumabi ako sakanya at sinamahan siyang tumingin sa langit.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sa 'kin. Nagtaka naman ako kung bakit ganun 'yung tanong niya sa 'kin. Nagtatampo ba 'tong isang 'to? Bakit naman siya magtatampo? "Asan si Kai ba't 'di mo kasama?"
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
FanfictionAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...