Chapter 9: Pusa at Kadiliman
Dark Roxette's POV
Dumaan ang ilang araw, okay na ang paa ko. Pero kamay ko nalang talaga. Nakakainis kasi bakit sinuntok ko pa. Nakakalakad na naman ako. Ilang days din ang pagbawi ni Kats sa 'kin. Ang clingy nga medyo. Kasi tuwing gabi naggo-goodnight. Tuwing umaga goodmorning naman.
Hay nako. Tumingin nalang ako sa phone ko at buti nalang wala na siyang good morning. Nawe-weirdohan ako eh.
"Roxette, gising ka na pala. Bangon na, may pasok pa tayo oh." Sabi sa 'kin ni Lynn at bumangon na ako. Naligo na at pagkatapos kong maligo nagbihis na ako nung favorite kong sky blue na plain v-neck t-shirt. Then skinny jeans na black and converse na black and white. Nilugay ko lang buhok ko dahil basa pa.
"Tara na?" Sabi ni Candy at pumunta na kami sa Classroom.
Pagpasok namin ng classroom, nandun na ang ilan sa mga bruho. Medyo may nag bulungan pa dahil dun sa sinabi ni Kats na girlfriend daw ako. Eh hindi naman talaga totoo 'yun eh!
Umiwas nalang ako ng tingin sakanila at hinayaan nalang. Bakit? Dahil hindi naman talaga totoo mga pinagsasasabi nila eh. Bakit ako affected? Haha ulul!
Buti hindi ko kaklase si ugok Katsumi sa subject ko ngayon.
"Roxette, tabi tayo!" Sabi ni Baekhyun sa 'kin. Tumango nalang ako at nakinig na ulit. Syempre kailangan. Ayoko magalanganin ngayon dahil naglakwatsiya na ako dati noh. Sadyang ipinagpala talaga ako kaya minabuti ko na. Magaaral na talaga ako dahil alam ko matalino ako. Yeah! Fighting!
Alam ko namang matalino 'to si Baekhyun kaya kapag hindi ko masyadong gets nagpapaturo ako sakanya. Magkapit-kwarto lang naman kami eh.
- - -
After nung subject namin, break na. Pero hindi ko padin siya nakikita. Asan na ba 'yun? Inikot ko 'yung mata ko sa paligid at wala akong ni isang anino niya na nakita. Eh bakit ko ba siya hinahanap? Wala ka namang paki diba?
"Hoy, sino hinahanap mo?"
"Ha?"
"Bangag." -,-
"Sophie, wala akong hinahanap. Sadyang engot ka lang. Tara na nga!" Sabi ko at hinila ko na siya papuntang Canteen para kumain. Nag-order na ako at ibinigay na agad sa 'kin at umupo na kami sa table. Ito namang isa, nakatitig padin.
"Gusto mo ba akong tunawin sa titig mo?" Tanong ko sakanya.
"Asus! Crush mo lang si Katsumi eh." Sabi niya. Luh, pa 'no napunta kay Kats 'to? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng 'what-are-you-talking-about?' look.
"Pinagsasasabi mo?" Tanong ko sakanya at siya naman, palo lang ng palo. Langya, kinikilig ang bruha. Abnormal lang 'to eh.
"Crush mo si Katsumi Xerxes Jimenez!" Sigaw niya. Lumaki mata ko tulad nung kay D.O dahil sinigaw niya talaga. Jongina niya, pag talaga akala nila na may crush ako dun sa Kats na 'yun na bubugbugin ko 'tong hinayupak na 'to.
"Sino may crush sa 'kin?"
D____O!?
Lumingon ako at nakita ko ang nakangising Kats. Huttaaaaaaaa!
"Wala.. Walang may crush sa 'yo." Kinakabahan kong sabi. Pa 'no ba naman! Kasi itong si Sophie nakakainis! Tumingin siya kay Sophie at tumingin din ako kay Sophie ng 'papatayin-kita' look. Bigla siyang ngumiti at tinuro ako.
I'll kill you, sophie!
Biglang may umakbay sa 'kin at pagtingin ko, si hutanghenang Kats. Umupo siya sa tabi ko at nakaakbay padin siya. Ugh! I hate this situation. Pilit kong inaalis ang pagkakaakbay niya kaso binibigatan niya pa kaya nasasaktan na ako edi pinabayaan ko nalang. Humanda 'to sa 'kin mamaya!
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
FanfictionAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...