Chapter 27: Coincidence or Destiny?
Dark Roxette's POV
Hindi nanaman ako makatulog ng dahil sa nangyari nung isang linggo. Like please? Itong eyebugs na 'to ayaw padin akong lubayan. Forever ko na 'to, promise. Haha dejk. Bumangon na ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo, pumunta na ako sa canteen. Nagpaalam nanaman ako kela Lynn at Candy na pumunta muna sa Canteen at dun na kumain.
"Roxette," tawag sa 'kin ni Sophie.
"Oh?" Tanong ko.
"Bakasyon na kasi bukas and I was wondering kung pwede ka sumama sa Vacation namin sa Bora with friends." Sabi niya sa 'kin.
"Sige, sounds great." Sabi ko naman.
"Sige, bukas tayo mamimili ng gamit and stuffs for the next day." Sabi naman niya at tumango ako. Sinamahan na niya ako sa Canteen kasi alam mo naman 'tong si Sophie puro pagkain iniisip kaya ayan, tumataba.
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa next class namin. Kaklase ko nanaman si Pusa at ang dabarfriends. Pumasok na ako sa classroom at halos mahulog na ang panga ko at halos lumabas na 'yung mata ko sa nakita ko.
Bakit kapareho ko siya ng damit?!
Naglakad ako na parang wala akong nakita. Leche, bakit ganito? Duh, coincidence lang 'yan.
"Matchy matchy," bulong ni Sehun. Sinamaan ko ng tingin at binelatan. Teka, oo nga pala! Katabi ko ang mokong na 'yun! Huhu baka mapagkamalan pa na kami pero hindi naman!
"Uy, matchy matchy sila oh," sigaw nung isa naming kaklase at nag hiyawan na silang lahat.
"Mga sira, Coincidence lang 'yan. Diba?!" Sabi ko kay Pusa.
"Hmm.. Parang hindi eh, destiny na ata 'to," sabi naman niya at inasar kami sa loob ng classroom. Pa'no ba kasi, pareho kaming naka Doraemon. Bwisit! Kung kelan ko susuotin 'tong Doraemon ko saka pa may kapareho. At ang kapareho pa ay si Pusa. Sino ba'ng hindi kikiligin?! Este maiinis?!
"Uy, girl! Kilig kilig! Destiny na ito," sabi ni Sophie. Binatukan ko nga. Leche eh.
Pumasok na si Prof at pilit kong itago si Doraemon sa t-shirt ko. Leche pag nakita ni Prof kasi 'tong pareho kaming damit ni Pusa sigurado akong aasarin lang kami nun. Mas lalo pa akong maiinis.
"Okay class- woah? Look at that, Ms. Gonzales and Mr. Jimenez. Looking fresh couples today? Matchy matchy," daming sinabi ng baklang 'to. Leche! Substitude siya sa. English class namin ngayon. Wala kasi 'yung isang Prof.
"No, Sir-"
"What?! You called me Sir? I'm Ma'am you know. Kalurkey ka my dear porket you and this hottie guys here, ah?" Sabi niya pa at nagpeace sign nalang ako. Wala naman makakatalo sa english niya eh. Haha..
"Okay class, we're gonna start the lesson. Ms. Gonzales and Mr. Jimenez, please stand." Sabi ni Beky.
"We're going to have a Debate about bakit kailangan na ipaglaban mo ang taong mahal mo," sabi naman ni Beky ulit. Aba?! At kami pa talaga 'yung napagtripan dyan ah? Medyo makulit din 'tong si Beky eh. Ito namang si Pusa makalipbite wagas. Nagrolyo ako ng mata sakanya.
"Starting with Team Roxette, you'll disagree while baby boy agree," sabi ni Beky.
"Uhm.. Ah, ahm.. Hindi mo na kailangan ipaglaban ang taong mahal mo dahil kung mahal mo talaga siya, magpaparaya ka kung ano ang gusto niya. Tsaka kung mahal ka talaga niya, hindi siya maghahanap ng iba." Tuloy-tuloy kong sabi. Wala akong paki kung tagalog 'yan. Tagalog kasi 'yung title eh edi tagalog din sagot ko.
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
Hayran KurguAn EXO fanfiction. 엑소 Dark Roxette Gonzales--cold, badgirl, at halos lahat hinahangaan siya dahil matalino at maganda siya. Hindi nila maiwasang matakot minsan dahil sa pagiging cold niya palagi. Ngunit ang hindi nila alam ay may side din siyang mas...