Chapter 10: One step at a time...

106K 1.3K 14
                                    

Nasa loob nang sasakyan sina Liam at Erin, katatapos lang nang dinner nila kasama ang parents ni Liam. Ihahatid na ni Liam si Erin sa bahay nila. So far so good, it went well ang dinner nila. Liam’s parents insists that they should get married. Hindi parehong makasagot sina Liam at Erin sa topic na yon. Simple lang ang nagging sagot ni Liam sa parents nya. “Let’s take, one step at a time Ma… I hope you all understand…”

“So, what do you think about my parents?” tanong ni Liam habang nagmamaneho.

“Their fine, akala ko sesermonan nila ako dahil sa nangyari, medyo relax na din ako sa kanila dahil nakilala ko na mama mo earlier diba…” sagot ni Erin… “And your brother is funny… he has a good sense of humor…” pahabol nya…

“Sus, bolero yong lalaking yon, kaya wag kang maniniwala sa mga pinagsasabi non…” natatawang sabi ni Liam…

“You two are the opposite of each other, pero magkamukha kayo ha,…” sabi ni Erin…

“Marami ngang nagsasabi nyan… and we both agree with them in that matter…” sabi ni Liam

Kung ano ano pa ang nagpagusapan nila habang nasa loob sila nang sasakyan… Ilang minute pa ay nakarating na sila sa bahay ni Erin… Pinapasok muna ni Erin si Liam sa loob nang bahay nila. Nagtataka si Erin kung nasaan ang mga kapatid nya…

“Yaya, sina Kuya po?” nakita ni Liam ang isang matandang babae na tinawag ni Erin na Yaya… Sa pagkaka alam nya Linda ang pangalan nito.

“Naku, wala ang mga kapatid mo, may kanya kanyang lakad… Si Gian, nasa reunion, si Johan kasama siguro si Sam at si Kian nasa mga barkada nya…” sabi nang matanda…

“Ah, ganun po ba… sige po… salamat… pahinga nap o kayo…” sabi ni Erin

“Are you ok na mag isa ka lang ditto?” tanong ni Liam…

“Liam, ano ka ba… kasama ko naman si Yaya ditto, I’m not alone…” sabi ni Erin…

Nasa TV room sila at nanonood nang movie, nakaupo sila sa la-z boy sofa nina Erin. Ayaw kasing umalis ni Liam hanggat wala pang kasama si Erin sa bahay maliban sa yaya nya. Nag kekwentuhan sila habang nanonood nang movie…

“Gaano na katagal ung yaya mo?” tanong ni Liam…

“Well, simula nang magka isip ako, si Yaya Linda na ang yaya ko. Actually we all have Yaya’s pero si Yaya Linda ung tumagal talaga samin… Sya din ung nagging yaya ni Kian…. She neber left us specially nung namatay sina Mama…” kwento ni Erin…

“So she became your family…” sabi ni Liam

“She was, pamilya na ang turing naman sa kanya… Kaya nga nung nawala sina Mama, pinapunta na din naman ung mga anak ni Yaya ditto sa bahay, para may kasama kami…”

“Eh, nasa na mga anank nang yaya mo?” tanong ni Liam

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon