Nagising si Liam na wala si Erin sa tabi nya... Tiningnan nya ang orasan at nakitang 8 AM na pala... Kaya inayos na agad nya ang sarili nya at lumabas na nang kwarto... Nakita nyang busy si Erin sa pag aayos nang mga gamit, habang kumakain naman si Liah...
"Good Morning!" at hinalikan si Erin sa pisngi pati na din si Liah...
"Good Morning!!! Halika, kumain ka na nang breakfast..." sabi ni Erin.. Tumabi naman si Liam sa anak...
"Dad! we are going to a photoshoot.... Wanna come?" tanong ni Liah...
"Photoshoot? who's photoshoot?" tanong ni Liam at tumingin kay Erin...
"May photoshoot si Liah... para sa isang clothing brand... eto nga problema eh... kailangan kong pumunta sa ANYA Building... Titingnan ko ung additional sa crown molding na inilagay..." sabi ni Erin...
"I'll take her..." sabi ni Liam...
"Talaga? Ikaw ang sasama kay Liah, sa photoshoot?" tanong ni Erin...
"Oo, para magkaroon din kami nang bonding time... Diba baby ko..." sabi ni Liam at tumingin kay Liah... Hindi naman sya pinansin ni Liah dahil busy ito sa pagkain nang waffles...
.
.
.
Pagdating nina Liam sa location nang photoshoot... Parang alalay sya ni Liah, dahil sya ang nagdala nang lahat nang gamit nya. Kasama naman ang Yaya ni Liah, pero syempre hindi nya ito pagnagdala nang gamit... Mas alam kasi nang Yaya ni Liah kung saan sila pupunta...
Pagdating nila sa loob ay sinalubong agad sila nang staff... "Good Morning! Liah! How are you?" tanong nang isang staff... Ngumiti naman si Liah... "Ate, nasan si Ma'am Erin? Kayo lang ba ang magkasama?"
"May pinuntahan po kasi si Ma'am kaya ung daddy nya ang kasama namin..." sabi ni Yaya...
"Really, sino ang daddy?" tanong ng staff... Tumingin naman si Yaya kay Liam... "OMG... Daddy nya si Liam Alegre?" tanong nang staff... Ngumiti lang si Liam sa staff...
During the shoot, nasa likod lang is Liam nang photographer, tinitingnan din nya kung anong mga damit na ipapasuot kay Liah... Naging stage daddy tuloy si Liam, dahil kasam din sya sa pag didirect kung anong gagawin ni Liah...
Naghihintay si Liam na matapos nag set up ang staff para sa bagong set... Si liah naman binibihisan ulit nang bagong outfit... Lumapit sa kanya ang photographer...
"Sir, pwede po bang makarequest..."
"Ano po yon?" tanong ni Liam...
"Pwede po bang mga pose kayo dito, kahit isang picture lang, kasama ung mga baby..."
"Hindi po ako kasama sa shoot na ito... sinasamahan ko lang ung anak ko..." sabi ni Liam...
"Alam naman po namin na hindi kayo kasama sa shoot, gusto ko lang po sanang kunan kayo, kahit one shot lang... please..." sabi nang photographer....