Chapter 30: ANYA Building part 1

64.1K 974 44
                                    

Sa schedule ni Erin halos 2 weeks na puro trabaho muna ang gagawin nya, bago sya makapag bakasyon. Isang linggo na sya sa Pilipinas. Unang araw nya sa Pilipinas noong nagkita sila ni Liam sa isang party. Hindi parin nawawala sa isip nya ang pangyayari na yon.

Ngayong araw ang pag punta nya sa ANYA Building project, kasama nya doon si Sam na landscape architech. Excited nga sya dahil gusto na nyang makita ung kinalabasan nang nga design na pinapadala lang nya sa email. 

Noong nasa America pa sya, pinapadala nya ang mga designs nya at pinapadalhan naman sya nang mga pictures nang actual finished design. Pero para kay Erin iba parin na makita nya nang personal ang ginawa nya at hindi sa picture lang nya nakikita.

Sinundo ni Lawrence sina Erin at Sam, para sabay sabay na sila papunta sa building. Sa bahay na ulit nina Erin  sya tumutuloy. Doon din nakatira sina Sam kasama ang mga kapatid ni Erin. Habang papunta sina Erin sa building ay nakatulog sya sa loob nang sasakyan. Hindi kasi sya nakatulog nang maayos dahil sa pagkekwentuhan nilang magkakapatid.

Nagising na lang si Erin na nasa parking lot basement na sila nang building. Hindi nya alam kung paano pumunta dito sa building, dahil hindi nya alam kung saan sila dumaan. Medyo inaantok pa si Erin na bumaba nang sasakyan.

Kasama nga pala nina Erin at Sam sina Liah at Clarence, dahil walang mag aalaga sa dalawang chikiting. Nag bakasyon muna sa probinsya ang yaya ni Liah,kaya mommy mode/working mode si Erin ngayon. Safe na naman dalhin sa building ang dalawang bata dahil tapos na ang constructions, final touches na lang ang kailangan.

"So, ano sa tingin mo Erin, did I give your designs justice?" tanong ni Lawrence habang pinapakita kay Erin ang mga designs na pinadala nya...

"I never thought it will end up like this..." sabi ni Erin habang nakatingin sa paligid... Satisfied naman si Erin sa mga pinadala nyang designs... Iniisip kasi nya na baka mag over the top sya or kulang ang ginawa nya design, dahil hindi talaga nya nakita ang lugar nang personal. Kaya nag alanganin sya.

"Liah, what do you think about mommy's work?" tanong ni Erin sa anak...

"hmm... i don't know..." sagot ni Liah... Parehong napatawa naman sina Erin at Lawrence sa sinabi ni Liah... Of course they're kids, thy don't care about interior designs...

Sunod na pinuntahan nila ay ang garden na inaayos ni Sam, may mga konting tinatapos pa si Sam, dahil maraming garden itong project nila. Sa lahat nang project na ginawa ni Erin, ito ang pinaka favorite nya. Dahil pinayagan syang mag design nito, like it's her own building.

May ginagawang finishing touches din si Erin sa ibang parte nang building na ginawan nya nang design. Nakatulog naman ang dalawang bata sa sofa, dahil napagos sa kalalaro. Pagtingin ni Erin sa orasan nya 3PM na pala. hindi nya namalayan dahil sa sobrang busy nya.

"Ma'am Erin, pinatatawag po kayo ni Sir Lawrence, sabi po nya may papipirmahan daw po syang mga papers sa inyo..." sabi nang isang staff...

"Ahh Ok thanks... paki bantayan na lang tong mga bata... pupuntahan ko lang si Lawrence..." sabi ni Erin... Tumango naman ang staff...

That One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon